Shoujo Manga

Meant to be. Sampung taon akong naniniwala sa salitang, meant to be. Akala ko kasi you’re worth the wait, hindi pala. At eto si tanga, willing na hinintay ka sa kabila ng uncertainties na meron ka.

Paano ba nagsimula? Grade school pa lang, may crush na ako sa’yo. Love team nga tayo di ba? Tayo ung madalas na piangtitripan nung elementary tayo nang mga gung-gong nating classmate na lunod sa konsepto na ang crush ay mauuwi sa true love. Marami tayong moments, tulad nung hinalikan kita nung birthday mo nung Grade 2 tayo kasi sabi mo crush mo ko. Ung science taste test experiment na naging magpartner tayo, ung madalas nating pagbibiruan, para nga daw tayong aso’t pusa. Maraming nag-abang sa love story natin sa loob ng matagal na panahon. Akala nila magiging tayo hanggang dulo, akala lang nila pala yun, akala ko lang din pala yun.

Ang simpleng crush ko sa’yo ay nauwi sa pagkahulog ko sa’yo. Malalim, sobrang lalim nang pagkahulog ng puso ko sa’yo na ni minsan ay hindi mo man lang naisipan damputin at hawakan para alagaan.

High school, nagsimula akong magbasa ng mga shoujo manga kasi nakikita ko ang sarili ko sa mga storya ng mga bidang babae sa bawat manga na binabasa ko.

Cliché love confession scenes sa mga shoujo manga, kundi niyo alam, maghanap kayo at magbasa dahil kung maniwala man kayo sakin o hindi, nangyari siya sakin. Sa ganoong paraan siya nagtapat ng pag-ibig sa’kin, sobrang cute at romantic na hindi ako makapagsalita at napa-oo nalang.

Niligawan mo ko at madalas tayong magkatext o magkachat dahil bakasyon na. Iniisip kong sagutin ka bago ang aking kaarawan at tinawag yung birthday gift ko para sa sarili ko. Hanggang sa dumating sa point na hindi na kita makatext dahil nasira ung phone ko at hindi ka maka-chat nawalan kami ng net dahil walang dial tone ang telepono. Hanggang sa nakiusap ako sa kaibigan ko na-ichat ka para sabihin na wala kaming net at nagreply ka at sinabi mong may sasabihin ka sakin. Umasa ako na sasabihin mo na pupunta ka sa bahay dahil malapit na ang birthday ko. Umasa ako.

Bumalik na ang internet namin na noong mga panahong yun ay dial-up pa lamang. Agad-agaran kong binuksan ay messenger ko na noon ay uso pa. Nagulat ako sa message na iniwan mo, ang sabi mo, “Itigil na natin ‘to.” Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit mo nais itigil ang lahat dahil sa nawalan lang tayo ng komunikasyon sa loob ng isang linggo. Dahil mahal kita, hinayaan ko nalang at sinabi na, “Sige ayos lang.” Umuulan nung araw na yun, hindi ko malimutan. Pinatay ko ang aming desktop computer at lumabas ng kwarto. Tumayo ako sa harap ng screen ng main door namin at naramdaman ko ang pagbagsak ng luha mula sa aking mga mata kasabay ng buhos ng ulan na sobrang lakas at mukhang hindi muna titila.

Sinabi ko sa sarili ko noon na kakalimutan na kita, kinain ko ang mga salitang yun.

Sa mga panahong nalulungkot ako, shoujo manga ang sumagip sakin noong mga panahong nais kong tumakbo sa realidad na aking kinabibilangan. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa hanggang sa nalunod ako sa sarili kong delusion na naging sanhi ng pagkahibang ko nang dahil sa’yo.

Naging isa akong ilusyonadang babae na umaasang magiging sa’yo. Pilit kong pinagsisikan ang sarili ko sa’yo kasi umasa ako na magiging ganun ang ending natin tulad nang mga tauhan sa mga manga na binabasa ko. Hindi ako nagising sa katotohanan na ang lahat ay kathang-isip lamang at pawang imahinasyon lang ng manunulat upang pakiligin at iparamdam sa mga mambabasa nito na may pag-asa hangga’t umaasa kang magiging kayo. Ako, si tanga, ay nahulog sa patibong ng mga shoujo manga. Pinaasa mo ako at ng mga shoujo manga.

Third year high school, tinanggap ko na sa sarili kong hindi kita kayang kalimutan. Sobrang mahal kita na ayos lang sakin masaktan ng harap-harapan noong mga panahong yun. Alam kong hindi sapat ang sampu o benteng page para sabihin lahat ng mga bagay sa tingin ko ay nagpasaya sa’kin, mga bagay na sapat na para sabihin ko sa sarili ko kahit papaano minhal mo din ako, mga bagay na inakala ko na ang pwedeng kalabasan ay tayo, mga salitang sinabi mo na pinakain ko sa aking delusion.

Madami. Madami akong luha na sinayang nang dahil sa’yo. Marami akong salitang hindi nasabi sayo. Marami akong natutunan sa sarili ko nang dahil sa’yo. Nakita ako ang pinakapangit na ako noong panahong minahal kita, nakita ko kong paano ko sirain ang tunay na ako at magpanggap na kung sino para lang maging sa’yo, nakita ko lahat. Oo, ako na ang tanga, ako na ang nagpakatanga sa loob ng sampung taon pero hindi ko pwedeng sabihin na hindi yun worth it. Worth it siya in a way kasi I learned to love the hard way. Umibig kami sa maling panahon at pagkakataon.

Aaminin ko, natakot akong harapin ang salitang ‘kaibigan’ kahit alam kong hanggang diyan nalang talaga tayong dalawa pero kasi alam ko sa sarili ko noon na may pag-asa tayo, na pwede maging tayo hanggang sa nasampal ako ng katotohanan at hinili ako pabalik sa realidad na aking kinabibilangan.

Hindi ko kasi alam na ganito pala ang pag-ibig. Akala ko isa itong matamis na salita pero hindi, ito’y nagbunga lang nang isang mapait na karanasan sa isang babaeng ngayon ay nangangarap na mahanap ang tamang pag-ibig sa tamang panahon ika nga ni Lola Nidora.

Ang pag-ibig ay hindi dapat hinahanap. Darating ito, hindi mo lang alam kung kailan pero sa tamang panahon mararanasan mo ito.

Sa lalaking minahal ko sa loob ng sampung taon, salamat sa’yo dahil isa ka sa mga naging susi upang mahanap ang sarili ko na matagal ko nang hinahanap. Ang pag-move on pala sa nadarama ko sa’yo ang unang stage sa tinatahak kong landas. Sobrang laki talaga nang pasasalamat ko sa’yo dahil you’ve brought the best and the worst of me.

Ngayong naka move-on na ako after 14 years, masasabi ko na ang meant to be will be worth the wait as long as you’re willing to wait sa tamang panahon.

Mahilig pa din ako magbasa ng shoujo manga. Saya nalang ang dulot nito sakin, minsan kilig depende sa storya ng nagsusulat nito. Sa shoujo manga may happy ending. Sa tunay na buhay mahahanap ko palang siya, konting hintay nalang. Good things happened to those who wait nga di ba?

DRAB 1

He didn’t know what he was doing. No matter how many times he walks forward, he didn’t know where he was going. He was stuck in some place where only he exists. That was his feeling when he fell in love with her. He disclosed himself, creating a wall where her feelings stays.

It’s like writing a novel where the ending doesn’t exist. So he chose to leave her, without saying a word that night. He just stared at her beautiful face while sleeping. Before memories flashed before his eyes, he closed them because that could hinder him from leaving. He thought leaving was the right option, it was the only option that exist where there are tons of things they can do for their relationship. But he was enveloped by fear, he fears the future, he can’t see the future that she has for both of them. He can’t keep up with the act of happiness that he is showing, he was tired of it. He parted her hair and asked himself, “Did I give you the love you’ve always wanted?”

It was a question even he don’t know the answer. It’s a big fat lie. He knows the answer, it’s just he can’t bring himself to believe in that reality where they are happy and living peacefully. He was deluded by many things running in his mind that leads him into the abyss of oblivion. Before she wakes up, he left. Bringing nothing but his phone and wallet, he went away. He left to find himself that he doesn’t even know if he can ever find. He didn’t know that the person he left was the person who would guide him to the place that he is searching for, the place where he really is, where his heart is.

She was left there, listening to every step that he takes before he leave the door. She watched him walk away hoping that he will turn back but all she saw was his back blurring as the endless tears block her sight. She looked around and saw his things still intact. Then, she saw the note he left on top of the table in the kitchen. She grabbed it and ran outside the door. Barefooted, she ran like there is no tomorrow. All she cared was for him to come back. She ran and ran and ran, looked here and there, searched high and low but there were no traces of him. It was as if he was engulfed by the darkness before the light could reign back to the sky. Her pace slowed down, knowing that it was impossible to find him. She looked at the sky and knelt down to the ground and cried, she cried loudly that the dark sky took pity on her and let the rain fall from the sky. The rain slowly washed her tears as it tried to take away the pain that continued to grow inside. She watch the writings on note that the raindrops slowly washed away.

“I’ll be back. I’ll find myself. I love you.”