“Tao pa ba ako o hindi?”

“Ano bang ginagawa ko?”

Ilang ulit ko nang binanggit ang mga salitang yan ngayong taon pero tila hindi ko mahanap ang tamang kasagutan sa tanong na ito. Bumalik ako sa pag-aakalang ito na talaga ang bagay na para sa’kin, ang nakakabuti sa ‘kin.

Akala ko handa na ako, hindi pala. Masyado kong napaniwala ang sarili ko na kaya ko na pero hindi pala. Nadala ako ng sobrang daming emosyon at mga salita mula sa mga taong mahal ko dahil ninanais ko silang makitang masaya samantalang ako’y hindi pa rin nakakaahon sa nararamdaman kong pagdurusa.

Para akong nabubuhay sa isang kasinungalingan, ang mundo ko ay nababalot ng mga salitang ako mismo ang gumawa para maramdaman ko man lang na ako ay masaya, na gusto kong maging malaya.

Pinipilit kong maging masaya, ipakita sa kanila na ayos na ang lahat habang sa aking kalooban akin pa ring hinahanap ang aking sarili na di ko pa rin makita.

“Ano ba talaga ang gusto ko?”

Hindi ko din alam. Hindi ko alam kung saan na patungo ang aking buhay, hindi ko na alam ang susunod kong gagawin, hindi ko na makita ang sarili ko sa hinaharap na ninanais ko.

“Hindi ito para sa akin.”

Nararamdaman kong hindi ito ang aking tadhana. Kahit ilang ulit kong isipin, pilit kong gustuhin, hindi talaga ito ang daang aking dapat tahakin. Alam kong sinabi mo sa akin na ito, ito ang kunin ko dahil ito’y pinagdasal mo. May mga bagay na hindi dapat inaasa sa Diyos, oo, sinasagot niya ang kahilingan natin ngunit nasa sa atin kung ano ang gagawin natin para sa ating sarili.

“Gusto ko nang itigil ang lahat.”

Ngunit naawa ako sa mga magulang ko na binigay ang lahat para lang makapag-aral ako. Naawa ako sa kanila dahil nangangarap sila ng magandang buhay para sa akin, sa pamilya namin pero habang iniisip ko ito at ang mga bagay na ginangawa ko sa buhay ko para bang hindi ako karapat-dapat pang ituring nilang isang anak.

Sobrang daming pasakit na ang ibinigay ko sa magulang ko, sobrang paghihirap na ang dinadanas ng pamilya namin pero heto ako, umaasatang walang pakialam at napapariwara. Naawa ako sa kanila. Naawa ako sa kanila kasi di ko pa rin alam ang gagawin ko sa buhay ko.

“Wala akong kwenta.”

Alam kong na-aasar ka na dahil alam mo na, alam ko ang sagot sa mga sarili kong tanong. Alam ko ang gagawin ko sa buhay ko pero hindi koi to matanggap dahil hindi ko gusto ang ginagawa ko. Matagal na akong nag-aaral ngunit hinid ko mahanap ang patutunguhan ng pag-aaral na ginagawa ko.

Pero hindi ganon kadali gawin ang lahat. Mahirap gawin ang mga salitang madaling sabihin. Mas lalo na akong nalalayo sa landas na gusto kong tahakin.

Naghahanap ako ng taong nagnanais akong kausapin. Sabihin moa ng mga bagay na nais mong sabihin sa akin. Hindi ako magagalit, makikinig ako, aalamin ko ang mga sagot mula sa mga salita mo.

Maawa ka sa akin, nais kong mabuhay na parang isang normal na tao dahil sa ginagawa kong ‘to hindi na tao ang tingin ko sa sarili ko.

Advertisements

One comment

  1. mulasawala · October 4, 2015

    Magpakatotoo sa iyong sarili upang makamit ang kalayaang inaasam. Ang pagsunod sa kagustuhan ng ilan ay pagkulong sa iyong sarili. Hindi ka mabubuhay nang malaya kung patuloy kang mamumuhay sa paraang pinili lang ng ilan. Upang maging malaya, kilalanin mo muna ang iyong sarili at alamin ang mga bagay kung saan palagay ang kalooban mo. Nasa iyo ang pagpapasya kung ano ang tatahakin mong landas. Nawa’y maging mapayapa ang iyong pag-iisip.

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s