Ang Babaeng Short-Haired

“Gusto ko nang magpagupit.”

Maiksi pa daw buhok ko pero mahaba na siya sa paningin ko, napupuyod ko na eh. Pero sa totoo lang, namimiss ko na ang mahaba kong buhok. Malamang iniisip niyo, ‘Hala, si ateng, naaaning.’ Hindi pa, malapit na. Joke lang.

Sa totoo lang, ang nakakamiss ay yung feeling kapag humahangin tapos ung buhok mo sumasayaw kasma nito habang nag-iisip ka ng malalim, naglalakad patungo sa iyong paroroonan, hindi tumitingin sa mga mata ng tao, deretso lang at tila-misteryoso.

Sa nagdaang mga taon, naging ritwal ko na ang magpagupit ng buhok. Dalwang beses or minsan tatlong beses sa isang taon. Ganon ako kadalas magpagupit.

Gusto ko bang magpahaba ng buhok? Oo, syempre, kasasabi ko lang na namimiss ko ung pakiramdam nay un di ba. Nagpahaba naman ako ng buhok mga lima o anim na beses pa lang. Dahil sa ninananais ko noon magpahaba ng buhok, naging parte aking resolusyon kapag bagong taon ay ang magpagupit lang kahit isang beses sa isang taon. Pero ako ito at wala akong konsepto ng resolusyon kaya nagpagupit pa rin ako.

Bakit ba ako nagpapagupit? Anong meron?

Dalawa ang sagot ko diyan.

Noong ako ay nasa sekondarya, simple lang ang rason. Pag-ibig. Hindi ba’t napakasikat ng paraan na ito na sa tuwing ikaw ay nasasaktan at nininanais nang makaraos sap ag-ibig na walang patututunguhan ay ika’y nagpapagupit. Pwede din nating sabihin na isa ‘tong paraan para makalimutan ang aking nakalipas na hindi ko mabaon sa lupa.

Pero ngayon, iba na ang aking rason. Para sa akin ang buhok ko ay parte ng aking stress. Kapag umiiksi ito, mas lalong nababawasang ang stress na nararamdaman ko sa buhay. Oo, sobarang bobo ng rason ko pero epiktibo naman sa akin nga lang.

Ang buhok ko ay tila isang kordon sa gitna ng aking mga pangarap at ang katotohanan na aking dapat harapin. Habang nagpapagupit ako, mas lalo akong lumalapit sa katotohanan, habang iniiwan ko ang pangarap ko na kailanman ay hindi na matutupad at pinapakain ito sa aking kahibangan na umaasa pang isang araw ang lahat ng pangarap ko’y magkatotoo.

Naisip ko na mas maganda nang kumapit sa katotohanan kaysa sa umasa sa wala. Ano naman ang mapapala ko kung patuloy kong sasabihin sa sarili ko na ito ang dapat kong gawin? Ano naman ang mapapala ko sa pagsasabi na may magandang bukas na parating, maniwala ka lang, magiging ayos lang ang lahat.

Kagaguhan. Sinong niloko mo ako?

Kingina ka pala eh.

Anong magiging ayos lang ang lahat? Tangina, isang kasinungalingan ang sabihin mo sa sarili mo na ayos lang ang lahat. Dahil hindi, hindi talaga.

Miserable ako buhay ko, hindi ko na alam ang ginagawa ko, tama bang mabuhay pa ako, galit ako sa sarili ko dahil hindi ko matanggap ang maraming bagay tungkol sa akin, mahalaga sa akin ang opinyon ng ibang tao, mas naniniwala ako sa kanila kaysa sarili ko, hindi ko kayang tumayo sa sarili kong paa para ipagtanggol ang sarili ko dahil natatakot ako sa sasabihin sa kin ng mga tao, mataas ang tingin sa akin ng mga tao, akala nila kung sino akong magaling pero hindi, hindi ako magaling, ako’y isang hamak na tao lang nagkakamali, nadadapa at nagnanais bumangon pang muli.

Nakaupo palang ako, hindi pa ako lumuluhod, tumatayo, lumilipad tulad ng dati. Abangan niyo, lahat ng mga bagay na sinabi niyo, sinasabi niyo sa likod ko, sa harap ko at pinamumukha sa akin kung gaano ako kawalang kwentang tao, oo, ngumingiti lang ako, nasa akin ang huling halakhahak, babangon ako at hihilahin ko ang sarili ko pataas, mas mataas pa kaysa ng dati. Abangan niyo.

Magpapagupit na ulit ako. Nahihibang na naman kasi ako, hindi ko na naman alam ang mga salitang sinasabi ko. Kailangan ko na ulit mamuhay ng normal, sa tamang realidad, sa tamang paraan at darating ang panahon hahaba ulit ang buhok ko at hindi na ako magpapagupit dahil sa malamang nahanap ko na ang rason kung bakit kailangan ko nang magpahaba ng buhok.

PS. Pasensya sa bad words at hindi po ako agit nung sinulat ko yan. Antok lang.

Advertisements