Maybe.

Nag-alikwas na ako ng gamit sa dorm. Sabi ni Mama, “Huwag kang mag-iwan ng kahit ano dito. We’ll start again.” Pero hindi ako nakinig, nag-iwan pa din ako ng gamit at ang mga pinagsamahan namin ng mga kaibigan ko sa loob ng limang taon na pananatili ko sa ikatlong palapag ng dormitoryong ito.

Para akong naghuhubad ng damit habang tinatanggal ang mga libro, handouts at kung anu-ano pang bagay sa loob ng aming kwarto. Para na rin kasing parte ito ng katawan ko, ang apat na pader ng kwartong ito ang naging saksi ng aking kasiyahan, kalungkutan at pagkabigo sa buhay.

Naalala ko ang gabing mag-isa lang ako sa kwarto at nakahiga sa kama ng roommate ko, umiiyak ako dahil ayoko na. Naramdaman ko na hindi ito para sa akin pero sa huli pinush ko pa din kaya heto ako ang na-push away.

Gustong gusto kong umiyak ngayon. Sobrang bigat ng dibdib ko, pakiramdam ko sasabog ito sa sobrang sakit. Noong nakita ko ang mga kaibigan ko, pinipigilan ko talagang umiyak. Sila kasi ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko maiwan ang unibersidad na ito. Ang mga tawanan, kulitan at kalokohan namin ang mga bagay na walang hanggan. Para akong nagkaroon ng 4 na bagong kapatid na babae noong nakilala ko sila. They are the best friends that I could ever had and that’s what made my college life the best. Meeting them made this journey better.

Umiiyak ako nung umalis, naluluha sila at alam kong umiiyak ang roommate kong sobrang attached sakin at ganun din naman ako sa kanya. Nakakontrata na nga ako ang flower girl sa kasal niya. Umiiyak ang nagbabantay sa dorm namin na ka-close namin. Sabi nila, “Bumisita ka ha. Mamimiss ka namin.” Naluluha siya nung sinabi niya ito. Sumakay na ako ng kotse at hindi n asana ako lilingon. Pero nakita ko sila sa bintana at kinawayan nila ako habang paalis kami.

Umiiyak ako habang lumalayo kami sa unibersidad. Hindi ako lumingon. Ayokong lumingon. Kasi babalik pa ako, kukunin ko pa ang records ko at kapag nakuha ko na siya saka ako lilingon. At saka sasabihin sa sarili ko na, “Ito na. Ito na ang simula ng panibagong buhay.” I’ll take what I experienced as a lesson. I’ll use it to make my life better. Kasagsagan kasi ito ng finding myself saga ko. Hindi ko pa masasabing nahanap ko na ang sarili ko dahil mahabang proseso ito pero nahanap ko na ang ibang kasagutan sa mga tanong ko sa buhay.

Ngayon, sinasagot ko ang tanong na “Ano ba ang gusto ko?” Ang elementary ng tanong di ba? Hindi, hindi ganon kadali sagutin ang salitang ito. I graduated high school not knowing what I want. I just wrote the course that what I think I want and what my parents want. Hindi ako nakapasok both course pero nakapasok ako sa university. With that, I had the right to choose another course kung saan mag-fit ung mga nakuha kong scores. I didn’t know what to write. Then Mama said, “Take this, kasi di ba pag-graduate mo si Tita Ganito ay nagwowork sa Ganitong Company. She can help you.” I was like, “Okay. Then, all I need to do now is to study.”

But, hindi pala ganon kadali ang napunta sa aking course. And the things is I have no idea what they do. Sabi ko, “Ano ‘tong pinasok ko?”

Lesson learned. Tama nga sila, dapat gusto moa ng bagay na pinipili mo. Hindi ka nagpapadala sa sinasabi ng iba dahil ikaw naman ang gagawa ng sarili mong kapalaran. Sabi nga ng high school adviser ko because she called me after knowing what happened to me, “Bayaan mo sila. Eh di, pag-graduate mo and you’ve become successful. Balikan mo sila.”

What they did to me was painful. Sabi nga nila, pwede ko pang ipaglaban. I said, “Ayoko na. Pagod na ako. Maybe hindi kami meant to be.”

Maybe nung nagsimula akong magkasakit, sign na yun. I just pushed myself because of my pride and because I wanted to.

This time, kakainin ko ang pride ko and I’ll take everything or whatever they tell me because I’ll do my best to succeed and become a better person.

 

 

Ang Kaganapan sa Buhay ng Isang Batang Lost

Kabanata 2

So, ano na?

Heto ang kasalukuyang tanong ko sa sarili ko. Ano na ang gagawin ko sa buhay ko?

Bago ‘yan. Kwentuhan ko muna kayo. Pumasok ako sa isang private school from pre-school to high school. Honor student ako. I graduated Valedictorian noong elementary, ganoon din noong high school. I passed all my entrance exams. Marami akong friends. Masasabi na din na nagka-love life ako. Pero hindi ko alam kung ano ang gusto ko sa buhay.

Di ba kapag 4th year high school ka, meron sa mga forms from universities. Degree Program. Anong gusto kong course? Honestly, hindi ko alam. Ano naming alam ng isang 16 years old na bata sa gusto niya sa future na hindi naman niya iniisip? Ang alam ko lang noon ay maglaro sa labas ng bahay kasama ng mga kapitbahay ko, manuod ng TV, magbasa ng manga, manuod ng anime at magsulat ng mga stories.

Marami naman akong naging gustong maging course. Gusto ko mag-medicine pero hindi ako pwede dahil takot ako sa dugo at pasmado ako. Babaw ng dahilan ko, no. Kastress di ba. Gusto ko maging writer, ayaw ng parents ko. Hanggang sa hindi ko na alam kung ano ang kukunin ko. One day, may nakausap na parent si Mama. Parent siya ng kaklase ko nung highschool, siya ang nagsuggest kay Mama na kunin ko ang course ko ngayon. Kasi ganito, ganyan daw. Malaki daw ang sweldo. Si Gagang Ate niyo ay sumunod sa kanyang mudra dahil ito ang dapat gawin. Nasilaw si Gagang Ateng sa pera. Huwag siyang tularan.

So, nakapasa ako sa school na kilala. I was so happy kahit hindi ito ang dream school kasi mahirap makapasok sa school na ‘to. So kung alam niyo kung anong school ung tinutukoy ko, shhhh lang kayo. Pumasok ako sa isang bagay na hindi ko alam.

I encountered a lot of problems tulad ng na-culture shock ako. Nahomesick. Naloka at nawindang ng isang semester pero nakaya. Second sem, hindi ko kinaya. Napagtripan ako ng tadhana at napunta sa mga terror prof. First time kong maranasan ang mag-fail. I was not accustomed to failure kasi I excel a lot in high school. Second year was okay. Third year was meh. And the current years, hell. I never thought na hahantong ang lahat sa ganito. Dito ko naranasan ang salitang, “Lahat sila matalino, ako yung hindi.” Five years na ako sa college, dapat graduate na ko last year pero hindi. Hindi ako nakagraduate dahil marami akong nabagsak na subjects. I lost the self that I used to know more like I didn’t know. I was a puppet. Puppet ako ng parents ko na nagsasabi na gawin ko ang lahat to achieve the highest grade that is attainable. When they cut my strings and was told to live freely, I lost myself.

Despite all of this, I have my friends. Friends who stick by my side until the end lalo na yung roommate ko na nagbabasa nito ngayon. Oo, para sa iyo ito. More like inyo ang part na ito. Kayo ang dahilan kung bakit hindi ako makalipat kahit ilang beses na akong pinagpipilitan ni Mama na lumipat noon pero dahil sa inyo at sa pride ko hindi ako lumipat.

Gusto kong magstay sa dorm kasama niyo at makipagkwentuhan, tumawa ng malakas, gumawa ng kalokohan, kumain sa kung saan-saan, grumaduate kasama niyo kahit alam kong hindi tayo sabay-sabay, kumatok sa kwarto niyo at mangapit-bahay at magstay for one to two hours para makipagasaran lang, magkaraoke at uminom kahit hindi ako makainom, pumarty kahit minsan, magselfie at magpicture ng derp at ginagawang memes, manuod ng concert at pumunta sa mga kung anu-anong events, gumala, mag-sleep-over, magmovie marathon, at kung anu-ano pa na ginagawa natin on a sem basis.

I wanted to stay. Gustong-gusto ko pero hindi ko na kasi kaya. I can’t do this anymore. Sagad na ang brain cells ko, marami na akong gamo na nainom, marami na akong luhang nasayang para sa isang bagay na feeling ko hindi para sa akin. It’s taking its toll, physically, emotionally, mentally and financially.

As much as I want to stay, I need to let go. Kailangan ko ng umalis at maghanap ng ibang school na tatanggap sa akin, sa course na mas gusto ko. I am not cutting ties, I am establishing our ties kasi aalis na ang isa sa mga Diosas. Kailangan na niyang ipakalat ang pagiging Diosa niya sa ibang school. Guys, let’s messenger once in a while ha. Bibisita ako promise.

Pride. Eto ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi ako ma-pride, nakalipat na sana ako. Hindi pa humantong sa ganito. Maraming nagsasabi na factor ang school na pinapasukan mo para magkatrabaho. Factor lang siya, hindi siya ang nagdedetermine sa capabilities mo bilang isang tao. It’s just an advantage na ngayon ko lang narealize. Masyado ako na delude sa mga sinabi ng mga tao sa palagid ko. I set my bar too high but I was cut off for the bar.

So, ano na?

I decided to leave the university and set myself a sail to another door of possibility that will be opened for me. Nahanap ko na ang gusto. Nagkaroon din ako ng goal sa buhay. Ngayon lang ulit ako nabuhayan ng loob , ngayon ko lang naramdaman ito. A feeling of wanting to chase something that you want and do your utter best and show other people what you are capable of.

Isa lang ang masasabi ko. Thank you university for teaching me what life is all about. How to cope up with failure, how to find myself, how to set new goals in life. Thank you for giving me the opportunity to study there. Thank you for giving me a chance to meet friends who sticks with you until the end. Thank you for giving me a true friend.

5 years in college. 20 years of age. Bata pa ako. I don’t care kung ano mang isipin ng iba. It’s just that I think I am in my way to live my life to the fullest. Kahit alam kong masakit ung nangayri sa akin ay, keri lang. Smile lang and be strong. Hindi pa naman dito natatapos ang lahat, sabi ni Mama. I am waiting for another door to open. I am searching for the right keys, I hope I can find it.

So, goodbye and thank you, uni. You’ve done a good job making me a human I never expect me to be.

To my friends, I love you guys ❤ ❤

ONCE A DIOSA, ALWAYS A DIOSA.

PS. Diosas gawa tayo ng shirt.

PPS.  Kabanata 2 is not edited at may chance na mabago pa. Too lazy at hindi na pagod na ang brain cells ko. Kabanata 3 soon.

 

 

 

Ang Kaganapan sa Buhay ng Isang Batang Lost

Kabanata 1

Hello 2016!

Yes, 2016 na at ang akala ko everything will fall on it’s right place. Pero hindi, I was wrong. So wrong.

Start na kasi sana ng first semester ko pero dahil sa isang sad reason, hindi ako makaka-enroll. Di ko din alam kung paano nangyari pero nadismiss ako. Hindi ko ikinakahiya, hindi ako bitter sadyang hindi ko matanggap kasi sobrang unfair.

For 2 years, on and off yung sakit ko. It’s stress related. Dumating sa point na kailangan ko mag-take ng leave of absence sa school dahil dito at dahil din sa depression na sinabi ko naman sa mga posts ko. (Oo, nagreread ako) Things went well, nakabalik ako sa school na pinapasukan ko pero hindi ako sinuwerte sa paagkuha ng subjects. So dalawa lang ung tinake ko, ung isa pinasa ko, ung isa dropped.

Siguro, iniisip mo kung anong ginagawa ko. Hindi ko ‘to sinasabi to make myself look better, para ipagkalat ang nangyari sa’kin. Hindi ako gumagawa ng excuse, I am just stating facts. Gusto kong mawala ang bigat na nakadagan sa dibdib ko.

Sobrang sakit, umasa ako. Umasa ako na magiging maayos ang lahat, na magiging maganda ang semester ko. Ako lang pala ‘yun, ako lang ‘yun na paulit-ulit na sinabi sa sarili ko na magiging ‘okay’ ang lahat.

Oo, kasalanan ko kung bakit ako na-drop sa isa kong subject. Di na kasi ako pumasok kalgitnaan ng semester. Bakit? Lumala ang sakit ko. Lingid sa kaalaman ng iba dahil hindi ko sinasabi na madalas akong inaatake ng sakit ko last semester. To the point na sumusuka na ako ng dugo. I got scared when that happened. I thought I was dying. Yung ung umabsent ako for a whole month sa isa kong subject pero di ko masabi sa magulang ko kasi ayoko na i-pull-out nila ako. I wanted to stay at sa kagustuhan kong mag-stay, I gave up one of my subject to get my shits together.

So lumipas ang semester at nag-sembreak.

Nagpasko. Natapos ko ang Simbang Gabi.

I passed one of my subjects with a high grade.

I got a ‘Good’ Standing.

I got all the subjects I needed with a favorable schedule.

And shit went down.

Nagpunta ako sa college namin para kunin ang enrollment form namin. At doon ko nalaman ang katotohanan na Dismissed ako. Unang reaksyon, nagulat ako. Maraming tanong ang bumulabog sa isip ko. Ano? Bakit? Paano?

Sinabi ko good standing ako.

Sabi nila hindi.

Umasa ako.

Umasa ako na papasok ako ngayong sem at magiging masaya.

Hindi pala, dahil ito ang reality. Reality doesn’t have happy endings.

Masakit kasi sobrang unfair. Tinetext kasi nila kapag dismissed ka. Dinedeactivate nila ang account mo kapag dismissed ka. Pero walang dumating na text, nakuha ko ang subjects ko sa enrollment site namin.

Pinaasa ako at umasa ako.

Sa dinami-dami ng tao sa loob ng office nila, ipinamukha nila sa akin na dismissed ako. Sa harap ng dormmate ko, sa harap ng orgmate ko, sa harap ng mga tao na ka-college ko. Alam kong all eyes were on me. Alam ko pero hindi ko nalang ininda. Parang umalingawngaw sa loob ng kwarto ang mga salitang sinabi ni Tita na kung isusuma mo ay walang sinasabi kundi, “Kasalanan mo.” Nakita ko ang mga mata niya, kapareho nila ang mga mata ng nanay ko noong sinabi niya din ang mga salitang ito noong nag-LOA ako. Nilakasan ko ang loob ko kahit alam kong ayaw lumabas ng mga salitang ito sa aking bibig, “Anon na pong gagawin ko.” Malakas niyang sinabi, “Wala na. Wala ka nang magagawa.” Para akong nabingi. Lumabas ako ng office, ramdam ko ang mga tingin sa’kin ng mga estudyante. Alam ko din na paulit-ulit sinabi ni Tita sa loob ng office ang pangyayaring ito.

Bigla kong tinanong si Lord, “Lord, bakit? Bakit ako na naman? Bakit ganito na naman? May mali ba akong nagawa?” Hindi mawala sa isip ko na magalit sa Kanya sa taas. Pero sa huli inisip ko, may mga bagay talaga na hindi para sa’kin at pakiramdam ko ito ang way Niya para sabihin sa akin.

Nabuo ang takot sa puso’t isipan ko. Natakot na ulit akong pumunta sa office nila. Natakot ako sa mga tingin ng tao sa aking kapaligiran. Meron akong trust issues dahil sa isang pangyayari na nangyari sa’kin noong highschool. Meron din akong takot sa mga tao, natatakot ako sa crowded places, hindi ako makahinga, nasasakal ako, pakiramdam ko kasi hinuhusgahan nila ako sa bawat tingin nila.

Ang pangyayaring ito ay nagsimula noong highschool ako. Ginawan ako ng issue ng Chemistry teacher namin. Hindi ko kasalanan. Nagtanong ako sa aming Chemistry teacher noon na nasa kabilang building. May hindi kasi malinaw sa instructions niya kaya ako nagtanong. Nakita ako ng Assistant Principal namin, tinignan niya yung exam paper ko tapos tinanong ko kung ganito ganyan. Ganito ganyan daw. So nilinaw ko sa Chemistry teacher namin kung ganito ganyan, ang sabi niya ganito ganyan nga daw. So tama ako. Tama pala ang ginagawa ko.

Isang araw habang pabalik ako ng school, iba ang tingin sa akin ng mga tao. Para bang may ginawa akong mali. Umakyat ang assistant principal namin, akala ko kung anong meron. Galit siya. Nanermon siya at nagtaka ako kung sino ang tinutukoy niya. Bigla niyang tinawag ang pangalan ko. “Nagmamagaling ka kasi.” Tumatak ang salitang ito sa isip ko. Sobrang laki ng impact ng pangyayaring ito sa buhay ko.

Heto ang pinalabas niya. Sinabi ko daw na mali ang tinuro ng Assistant Principal namin at mali-mali ang turo niya. Nawindang ako. Nagtanong lang ako kung tama ba yung ginagawa ko. Wala kong sinabi na mali yung turo niya. Hindi ako makaimik kasi masama honor student ako. Lahat ng mga kaklase ko nakatingin sakin. Tumulo ang luha ko kasi alam ko hindi ako mali. Sinabi ko na nandun din ung isanf teacher, siya ang pruweba ko noon. Pero ang sabi noong isang teacher na yun ay, sinabi ko daw lahat iyun. I was fallen into their trap. Umiyak pa siya at nagpaawa sa mga kaklase ko at sinabi na palalampasin daw niya yun. Okay lang daw. Tanggap niya. Pero sa huli ang alam nila, ako ang may kasalanan.

Nasundan pa yan noong nagkaroon pumasok ako sa student council, the same chemistry teacher ang adviser namin. Ipinahiya niya ulit ako sa harap ng Physics teacher namin, Assistant Principal at whole Student Council, kasalanan ko daw na naging ganun ung isa naming project. Ako daw may kasalanan. Nagtanong ako sa kanya ang sabi niya, oo daw. Sa kanya mismo nanggaling, yung oo. Ginawa namin at napahamak ako. Hindi ako nagtanim ng galit sa kanya. Pinabayaan ko siya dahil teacher ko siya. Nirerespeto ko siya.

Hindi pa diyan nagtatapos, siniraan niya ako sa mga members ng student council at sa mga teachers ko. Nalaman ko ‘yun sa pre-school teacher ko, sinasabi niya ganito, ganyan daw ako. Pero hindi sila naniwala dahil kilala nila ako pagkabata at si chemistry teacher ay isang teacher from our sister school ay sa huli pinabayaan ko pa din.

Simula noon, natakot ako sa mga tingin ng tao. Pakiramdam ko hinuhusgahan nila ako. Natakot akong magsalita in front of other people na kayang-kaya kong gawin noon. Makapal ang mukha ko noong elementart hanggang second year HS pero simula third year ay nawalan na ako ng amor sa mga tao. Natakot ako sa kanila at pilit iniiwasan. Kaya ngayon mas gusto kong maging low-key kahit mahilig ako sa atensyon noon.

Ang masakit, mas lalo siyang lumala ngayon.

So, hindi ako enrolled. Iniyakan koi to ng sobra dahil naawa na ako sa mga magulang ko na ginagawa ang lahat mapag-aral lang ang isang tulad ko na walang pangarap sa mundo. Naawa ako sa hirap at pagod na dinanas nila noong may sakit ako. Ang mga perang nagastos namin, inutang at mga alahas na sinanla at hindi na muli natubos para lang mairaos ako. Pero heto ako, hindi pa din graduate at hindi na alam ang gagawin sunod.

So, ako ba ang may mali? Kasalanan ko ba?

O pinaglalauran lang ako ngi kapalaran at ni tadhana?

PS: Di pa rin ako nag-eedit hahaha. Ginagawa ko na po yung Kabanata 2.