Ang Kaganapan sa Buhay ng Isang Batang Lost

Kabanata 2

So, ano na?

Heto ang kasalukuyang tanong ko sa sarili ko. Ano na ang gagawin ko sa buhay ko?

Bago ‘yan. Kwentuhan ko muna kayo. Pumasok ako sa isang private school from pre-school to high school. Honor student ako. I graduated Valedictorian noong elementary, ganoon din noong high school. I passed all my entrance exams. Marami akong friends. Masasabi na din na nagka-love life ako. Pero hindi ko alam kung ano ang gusto ko sa buhay.

Di ba kapag 4th year high school ka, meron sa mga forms from universities. Degree Program. Anong gusto kong course? Honestly, hindi ko alam. Ano naming alam ng isang 16 years old na bata sa gusto niya sa future na hindi naman niya iniisip? Ang alam ko lang noon ay maglaro sa labas ng bahay kasama ng mga kapitbahay ko, manuod ng TV, magbasa ng manga, manuod ng anime at magsulat ng mga stories.

Marami naman akong naging gustong maging course. Gusto ko mag-medicine pero hindi ako pwede dahil takot ako sa dugo at pasmado ako. Babaw ng dahilan ko, no. Kastress di ba. Gusto ko maging writer, ayaw ng parents ko. Hanggang sa hindi ko na alam kung ano ang kukunin ko. One day, may nakausap na parent si Mama. Parent siya ng kaklase ko nung highschool, siya ang nagsuggest kay Mama na kunin ko ang course ko ngayon. Kasi ganito, ganyan daw. Malaki daw ang sweldo. Si Gagang Ate niyo ay sumunod sa kanyang mudra dahil ito ang dapat gawin. Nasilaw si Gagang Ateng sa pera. Huwag siyang tularan.

So, nakapasa ako sa school na kilala. I was so happy kahit hindi ito ang dream school kasi mahirap makapasok sa school na ‘to. So kung alam niyo kung anong school ung tinutukoy ko, shhhh lang kayo. Pumasok ako sa isang bagay na hindi ko alam.

I encountered a lot of problems tulad ng na-culture shock ako. Nahomesick. Naloka at nawindang ng isang semester pero nakaya. Second sem, hindi ko kinaya. Napagtripan ako ng tadhana at napunta sa mga terror prof. First time kong maranasan ang mag-fail. I was not accustomed to failure kasi I excel a lot in high school. Second year was okay. Third year was meh. And the current years, hell. I never thought na hahantong ang lahat sa ganito. Dito ko naranasan ang salitang, “Lahat sila matalino, ako yung hindi.” Five years na ako sa college, dapat graduate na ko last year pero hindi. Hindi ako nakagraduate dahil marami akong nabagsak na subjects. I lost the self that I used to know more like I didn’t know. I was a puppet. Puppet ako ng parents ko na nagsasabi na gawin ko ang lahat to achieve the highest grade that is attainable. When they cut my strings and was told to live freely, I lost myself.

Despite all of this, I have my friends. Friends who stick by my side until the end lalo na yung roommate ko na nagbabasa nito ngayon. Oo, para sa iyo ito. More like inyo ang part na ito. Kayo ang dahilan kung bakit hindi ako makalipat kahit ilang beses na akong pinagpipilitan ni Mama na lumipat noon pero dahil sa inyo at sa pride ko hindi ako lumipat.

Gusto kong magstay sa dorm kasama niyo at makipagkwentuhan, tumawa ng malakas, gumawa ng kalokohan, kumain sa kung saan-saan, grumaduate kasama niyo kahit alam kong hindi tayo sabay-sabay, kumatok sa kwarto niyo at mangapit-bahay at magstay for one to two hours para makipagasaran lang, magkaraoke at uminom kahit hindi ako makainom, pumarty kahit minsan, magselfie at magpicture ng derp at ginagawang memes, manuod ng concert at pumunta sa mga kung anu-anong events, gumala, mag-sleep-over, magmovie marathon, at kung anu-ano pa na ginagawa natin on a sem basis.

I wanted to stay. Gustong-gusto ko pero hindi ko na kasi kaya. I can’t do this anymore. Sagad na ang brain cells ko, marami na akong gamo na nainom, marami na akong luhang nasayang para sa isang bagay na feeling ko hindi para sa akin. It’s taking its toll, physically, emotionally, mentally and financially.

As much as I want to stay, I need to let go. Kailangan ko ng umalis at maghanap ng ibang school na tatanggap sa akin, sa course na mas gusto ko. I am not cutting ties, I am establishing our ties kasi aalis na ang isa sa mga Diosas. Kailangan na niyang ipakalat ang pagiging Diosa niya sa ibang school. Guys, let’s messenger once in a while ha. Bibisita ako promise.

Pride. Eto ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi ako ma-pride, nakalipat na sana ako. Hindi pa humantong sa ganito. Maraming nagsasabi na factor ang school na pinapasukan mo para magkatrabaho. Factor lang siya, hindi siya ang nagdedetermine sa capabilities mo bilang isang tao. It’s just an advantage na ngayon ko lang narealize. Masyado ako na delude sa mga sinabi ng mga tao sa palagid ko. I set my bar too high but I was cut off for the bar.

So, ano na?

I decided to leave the university and set myself a sail to another door of possibility that will be opened for me. Nahanap ko na ang gusto. Nagkaroon din ako ng goal sa buhay. Ngayon lang ulit ako nabuhayan ng loob , ngayon ko lang naramdaman ito. A feeling of wanting to chase something that you want and do your utter best and show other people what you are capable of.

Isa lang ang masasabi ko. Thank you university for teaching me what life is all about. How to cope up with failure, how to find myself, how to set new goals in life. Thank you for giving me the opportunity to study there. Thank you for giving me a chance to meet friends who sticks with you until the end. Thank you for giving me a true friend.

5 years in college. 20 years of age. Bata pa ako. I don’t care kung ano mang isipin ng iba. It’s just that I think I am in my way to live my life to the fullest. Kahit alam kong masakit ung nangayri sa akin ay, keri lang. Smile lang and be strong. Hindi pa naman dito natatapos ang lahat, sabi ni Mama. I am waiting for another door to open. I am searching for the right keys, I hope I can find it.

So, goodbye and thank you, uni. You’ve done a good job making me a human I never expect me to be.

To my friends, I love you guys ❤ ❤

ONCE A DIOSA, ALWAYS A DIOSA.

PS. Diosas gawa tayo ng shirt.

PPS.  Kabanata 2 is not edited at may chance na mabago pa. Too lazy at hindi na pagod na ang brain cells ko. Kabanata 3 soon.

 

 

 

Advertisements

2 comments

  1. anghulinghugotero · January 22, 2016

    Halos pareho lang pala tayo ng kuwento. Feeling ko alam ko kung anong unibersidad din yan. Nag aral din ako diyan tapos eventually nag drop out. Ako naman sadyang tinopak lang ako kaya hayun, drop out. Tapos lumipat nalang ako sa ibang college at dun na ako nagtapos.

    Anyway, wag ka mag-alala. Ganyan ang buhay talaga. Lahat tayo natatalo, lahat tayo hindi nakukuha yung mga goals natin. Pero lahat din tayo may kakayahang bumangon uli. Panatag ka lang. Nagsisimula palang yung paglakbay mo 😊

    Liked by 1 person

    • kyotohime · January 22, 2016

      Sobrang salamat sa payo, friend. Medyo lost pa din ako ngayon at pinipilit maging okay. Naniniwala ako na isa lang itong trial for a bright future ahead of me. Thank you dahil alam kong hindi ako nag-iisa sa laban kong ito. I have my friends and family and people who I don’t know who have the same experiences helping one another. Thank you ng marami 😀

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s