Ang Kaganapan sa Buhay ng Isang Batang Lost

Kabanata 1

Hello 2016!

Yes, 2016 na at ang akala ko everything will fall on it’s right place. Pero hindi, I was wrong. So wrong.

Start na kasi sana ng first semester ko pero dahil sa isang sad reason, hindi ako makaka-enroll. Di ko din alam kung paano nangyari pero nadismiss ako. Hindi ko ikinakahiya, hindi ako bitter sadyang hindi ko matanggap kasi sobrang unfair.

For 2 years, on and off yung sakit ko. It’s stress related. Dumating sa point na kailangan ko mag-take ng leave of absence sa school dahil dito at dahil din sa depression na sinabi ko naman sa mga posts ko. (Oo, nagreread ako) Things went well, nakabalik ako sa school na pinapasukan ko pero hindi ako sinuwerte sa paagkuha ng subjects. So dalawa lang ung tinake ko, ung isa pinasa ko, ung isa dropped.

Siguro, iniisip mo kung anong ginagawa ko. Hindi ko ‘to sinasabi to make myself look better, para ipagkalat ang nangyari sa’kin. Hindi ako gumagawa ng excuse, I am just stating facts. Gusto kong mawala ang bigat na nakadagan sa dibdib ko.

Sobrang sakit, umasa ako. Umasa ako na magiging maayos ang lahat, na magiging maganda ang semester ko. Ako lang pala ‘yun, ako lang ‘yun na paulit-ulit na sinabi sa sarili ko na magiging ‘okay’ ang lahat.

Oo, kasalanan ko kung bakit ako na-drop sa isa kong subject. Di na kasi ako pumasok kalgitnaan ng semester. Bakit? Lumala ang sakit ko. Lingid sa kaalaman ng iba dahil hindi ko sinasabi na madalas akong inaatake ng sakit ko last semester. To the point na sumusuka na ako ng dugo. I got scared when that happened. I thought I was dying. Yung ung umabsent ako for a whole month sa isa kong subject pero di ko masabi sa magulang ko kasi ayoko na i-pull-out nila ako. I wanted to stay at sa kagustuhan kong mag-stay, I gave up one of my subject to get my shits together.

So lumipas ang semester at nag-sembreak.

Nagpasko. Natapos ko ang Simbang Gabi.

I passed one of my subjects with a high grade.

I got a ‘Good’ Standing.

I got all the subjects I needed with a favorable schedule.

And shit went down.

Nagpunta ako sa college namin para kunin ang enrollment form namin. At doon ko nalaman ang katotohanan na Dismissed ako. Unang reaksyon, nagulat ako. Maraming tanong ang bumulabog sa isip ko. Ano? Bakit? Paano?

Sinabi ko good standing ako.

Sabi nila hindi.

Umasa ako.

Umasa ako na papasok ako ngayong sem at magiging masaya.

Hindi pala, dahil ito ang reality. Reality doesn’t have happy endings.

Masakit kasi sobrang unfair. Tinetext kasi nila kapag dismissed ka. Dinedeactivate nila ang account mo kapag dismissed ka. Pero walang dumating na text, nakuha ko ang subjects ko sa enrollment site namin.

Pinaasa ako at umasa ako.

Sa dinami-dami ng tao sa loob ng office nila, ipinamukha nila sa akin na dismissed ako. Sa harap ng dormmate ko, sa harap ng orgmate ko, sa harap ng mga tao na ka-college ko. Alam kong all eyes were on me. Alam ko pero hindi ko nalang ininda. Parang umalingawngaw sa loob ng kwarto ang mga salitang sinabi ni Tita na kung isusuma mo ay walang sinasabi kundi, “Kasalanan mo.” Nakita ko ang mga mata niya, kapareho nila ang mga mata ng nanay ko noong sinabi niya din ang mga salitang ito noong nag-LOA ako. Nilakasan ko ang loob ko kahit alam kong ayaw lumabas ng mga salitang ito sa aking bibig, “Anon na pong gagawin ko.” Malakas niyang sinabi, “Wala na. Wala ka nang magagawa.” Para akong nabingi. Lumabas ako ng office, ramdam ko ang mga tingin sa’kin ng mga estudyante. Alam ko din na paulit-ulit sinabi ni Tita sa loob ng office ang pangyayaring ito.

Bigla kong tinanong si Lord, “Lord, bakit? Bakit ako na naman? Bakit ganito na naman? May mali ba akong nagawa?” Hindi mawala sa isip ko na magalit sa Kanya sa taas. Pero sa huli inisip ko, may mga bagay talaga na hindi para sa’kin at pakiramdam ko ito ang way Niya para sabihin sa akin.

Nabuo ang takot sa puso’t isipan ko. Natakot na ulit akong pumunta sa office nila. Natakot ako sa mga tingin ng tao sa aking kapaligiran. Meron akong trust issues dahil sa isang pangyayari na nangyari sa’kin noong highschool. Meron din akong takot sa mga tao, natatakot ako sa crowded places, hindi ako makahinga, nasasakal ako, pakiramdam ko kasi hinuhusgahan nila ako sa bawat tingin nila.

Ang pangyayaring ito ay nagsimula noong highschool ako. Ginawan ako ng issue ng Chemistry teacher namin. Hindi ko kasalanan. Nagtanong ako sa aming Chemistry teacher noon na nasa kabilang building. May hindi kasi malinaw sa instructions niya kaya ako nagtanong. Nakita ako ng Assistant Principal namin, tinignan niya yung exam paper ko tapos tinanong ko kung ganito ganyan. Ganito ganyan daw. So nilinaw ko sa Chemistry teacher namin kung ganito ganyan, ang sabi niya ganito ganyan nga daw. So tama ako. Tama pala ang ginagawa ko.

Isang araw habang pabalik ako ng school, iba ang tingin sa akin ng mga tao. Para bang may ginawa akong mali. Umakyat ang assistant principal namin, akala ko kung anong meron. Galit siya. Nanermon siya at nagtaka ako kung sino ang tinutukoy niya. Bigla niyang tinawag ang pangalan ko. “Nagmamagaling ka kasi.” Tumatak ang salitang ito sa isip ko. Sobrang laki ng impact ng pangyayaring ito sa buhay ko.

Heto ang pinalabas niya. Sinabi ko daw na mali ang tinuro ng Assistant Principal namin at mali-mali ang turo niya. Nawindang ako. Nagtanong lang ako kung tama ba yung ginagawa ko. Wala kong sinabi na mali yung turo niya. Hindi ako makaimik kasi masama honor student ako. Lahat ng mga kaklase ko nakatingin sakin. Tumulo ang luha ko kasi alam ko hindi ako mali. Sinabi ko na nandun din ung isanf teacher, siya ang pruweba ko noon. Pero ang sabi noong isang teacher na yun ay, sinabi ko daw lahat iyun. I was fallen into their trap. Umiyak pa siya at nagpaawa sa mga kaklase ko at sinabi na palalampasin daw niya yun. Okay lang daw. Tanggap niya. Pero sa huli ang alam nila, ako ang may kasalanan.

Nasundan pa yan noong nagkaroon pumasok ako sa student council, the same chemistry teacher ang adviser namin. Ipinahiya niya ulit ako sa harap ng Physics teacher namin, Assistant Principal at whole Student Council, kasalanan ko daw na naging ganun ung isa naming project. Ako daw may kasalanan. Nagtanong ako sa kanya ang sabi niya, oo daw. Sa kanya mismo nanggaling, yung oo. Ginawa namin at napahamak ako. Hindi ako nagtanim ng galit sa kanya. Pinabayaan ko siya dahil teacher ko siya. Nirerespeto ko siya.

Hindi pa diyan nagtatapos, siniraan niya ako sa mga members ng student council at sa mga teachers ko. Nalaman ko ‘yun sa pre-school teacher ko, sinasabi niya ganito, ganyan daw ako. Pero hindi sila naniwala dahil kilala nila ako pagkabata at si chemistry teacher ay isang teacher from our sister school ay sa huli pinabayaan ko pa din.

Simula noon, natakot ako sa mga tingin ng tao. Pakiramdam ko hinuhusgahan nila ako. Natakot akong magsalita in front of other people na kayang-kaya kong gawin noon. Makapal ang mukha ko noong elementart hanggang second year HS pero simula third year ay nawalan na ako ng amor sa mga tao. Natakot ako sa kanila at pilit iniiwasan. Kaya ngayon mas gusto kong maging low-key kahit mahilig ako sa atensyon noon.

Ang masakit, mas lalo siyang lumala ngayon.

So, hindi ako enrolled. Iniyakan koi to ng sobra dahil naawa na ako sa mga magulang ko na ginagawa ang lahat mapag-aral lang ang isang tulad ko na walang pangarap sa mundo. Naawa ako sa hirap at pagod na dinanas nila noong may sakit ako. Ang mga perang nagastos namin, inutang at mga alahas na sinanla at hindi na muli natubos para lang mairaos ako. Pero heto ako, hindi pa din graduate at hindi na alam ang gagawin sunod.

So, ako ba ang may mali? Kasalanan ko ba?

O pinaglalauran lang ako ngi kapalaran at ni tadhana?

PS: Di pa rin ako nag-eedit hahaha. Ginagawa ko na po yung Kabanata 2.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s