HELP.

Nasusuka ako habang binabasa ang mga salitang sinulat mo, para bang pinipilit mong maging isang magulang pero ni hindi mo man lang maramdaman ang bigat ng mga salitang sinasabi mo. Para itong matutulis na kutsilyo na tumutusok sa akin at sa kapatid ko.

Alam ko, alam kong nahihirapan ka na dahil hirap na ang pamilya natin. Hindi na natin alam kung saan tayo kukuha ng panggastos para sa araw-araw. Ilang alahas na ang nakasangla sa sanglaan at nagastos natin ang perang hindi atin para sa pag-aaral. Alam ko, alam kong instinct ng isang magulang na gawin ang lahat para sa kanilang anak. Sinusumbatan na tayo ng mga kamag-anak natin at ngayon hindi ko na alam kung matatawag pa bang bahay tong tinitirihan ko o pamilya ang mga taong kasama ko dito. Kasi ngayon pakiramdam ko, para kaming naglalaro na lang ng bahay-bahayan at ang salitang pamilya ay unti-unti na nawawalan ng saysay.

Sa totoo lang, wala na akong maramdaman.

Mukha akong masaya at tumatawa, pero sa loob looban ko wala na akong maramdaman para bang wala akong laman. Parang may black hole sa loob ng puso ko at hinihigop nito ang mga bagay na dapat kong maramdaman.

Nagising ako ng maaga kanina kahit late na ako natulog kagabi. Nagising ako sa sigawan at pag-aaway ng nanay ko at ng kapatid ko. Mag-senior high na kasi ung kapatid ko at ako naman ay lilipat sa school na papasukan niya. Sinabi ng kapatid ko na gusto niya ng ganitong course at biglang nagalit ang nanay ko. Alam kong galit siya, ang sabi niya, “Sure ka, yan ang gusto mo? Baka ako na naman ang sisihin niyo kapag nagfail kayo. Wala naman kasi kayong ginawa kundi sisishin kami eh.” Tapos nakisawasaw pa yung tatay ko na wala namang magandang sasabihin at pauulit-ulitin lang issue hanggang sa marindi ka kasi insensitive siya.

Narining ko ang rants ng nanay ko tungkol sakin. Tumahimik na lang ako at nagpanggap na tulog. Umiiyak ang kapatid ko. At tulad ng nakasanayan, ako na naman ang centro ng pagkasira ng pamilya na ito.

Sabi ng nanay ko, sana hindi ka nalang pumasok sa ganitong school, ikaw naman ang may gusto nito di ba? Well, hindi. gusto ko talaga sa school na nasa Manila pero mahal at ayaw ko din mag-Manila. Pinili ko yun school na yun kasi nakapasa ako dun at mataas ang expectations sakin ng mga tao. Dahil bobo ako at wala akong ginawa kundi pakaiinin ang pride ko noon, pumasok ako sa school nay un. At alam niyo naman ang nangyari. I experienced failure. Pakiramdam ko may mabigat na bagay na nakasakay sa likod ko habang nakadapa ako sa sahig at tila hindi na makakabangon pa.

Pumasok ako sa school na to kasi mas makakatipid tayo at nandito yung course na-endorse sayo ng isang nanay na nakausap mo nun kasi mataas ang sweldo ng course na ito at may possible na hatak na tayo if ever. Pinanghawakan ko yun hanggang mag second year ako. Hanggang sa sinabi ko magshishift ako ng course pero di mo ako pinayagan kasi hindi mo gusto yung course na lilipatan ko. Ang sabi mo baka sa kung saan lang ako bumagsak. Dahil hindi ko kayang i-express ang sarili ko sayo nun, um-oo lang ako hanggang sa magkanda-leche-leche na ang buhay ko.

Akala mo kasi tama lahat ng desisyon na ginagawa mo pero sa tuwing nagkakamali ka sa amin mo hinahanap ang mali. Oo, magulang ko kayo pero magkaibang tao tayo. Hindi ako puppet. Kung puppet niyo ako nung high school para magkapasok sa magandang university, well, hindi na ngayon, oo, tinatanggap ko ang mga opinion niyo pero ako pa din ang masusunod kasi buhay ko to.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Ngayon, pilit ko na tumayo sa sarili kong paa para hindi dumipende sa inyo kasi sa huli ako naman ang susumbata. Ayoko na, suko na ako sa inyo.

Antayin niyo, antayin niyo talaga kapag nakatayo ako mula sa pagkadapang ito at sisimulang muli tahakin ang landas na gusto ko at nakamit ko ang mga pangarap ko. Kakainin niyo ang mga salitang sinabi niyo sa akin. Lalo na ang mga kaibigan ko noong high school na alam kong nagkakalat ng kung ano-anong kwento, akala ko kaibigan ko kayo, putangina, pagkatapos kong pagtakpan ang mga sikreto mo ganito ang igaganti mo, tangina mo girl. Ang galing mo.

My life is so fucked up right now.

HELP.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s