Bes, ano na?

So, ano na ang gagawin ko?

Yan ang tanong ko sa roommate kong pinakamamahal. Bakit ko siya tinanong niyan?

Well.

Kung reader ka ng blog ko, alam mo naman na nag-confess ako sa crush ko di ba? Nagconfess talaga ako. Hindi nga lang in person kundi sa chat kasi yun lang yung possible way ko para masabi sakanya yun. At sa hindi ko malaman na paraan eh nagkaroon ako ng lakas ng loob sabihin sa kanya ‘yun sa birthday niya. Ibang level si bes.

Alam niyo din na nag-eemo ako dahil hindi siya nagreply.

Ni seen zone. Wala.

Actually, hindi na ko umaasa na magrereply siya kasi hindi siya nagreply sa mga bati ko for 2 years. Akala mo lang na hindi ako umaasa, pero deep down, umaasa pa din ako na magrereply siya pero dumating ang kinabukasan at waley pa din. So, si ako ay nagdecide to let it go. Wag na bes, itigil na natin ang kahibangan na ‘to. Move on na. So, ang mind set ko na noong araw na yun is to move on from my feelings for him.

Actually noong Friday ng gabi, nag-emote na ako habang nakikinig ng throwback songs at inistalk yung FB niya para i-check kung nagreply ba siya sa mga bati sa kanya. Ang nakita ko lang mga post ng friends niya na parang nagsasabi na may ka-something na siya. So ako, iyak ulit.

So sobrang busy ko noong Sabado, nawala na siya sa isip ko at bumalik lang siya noong nakasakay na ako sa jeep pauwi ng bahay tapos naulan. Umuulan din kasi noon una ko siyang na-meet tapos nakakita pa ako ng pulang Ford. Nag-eemo tuloy ulit ako hanggang sa maka-uwi.

Umakyat ako sa kwarto after kumain at nakita ko yung isa kong phone sa tabi ng kama ko at binuksan yung wifi, para magcheck ng updated na manga. Umupo ako sa kama ko at chineck yung messenger ko. Laking gulat ko dahil nakita ko yung reply niya. Ang sabi ko, “Totoo ba ‘to? Seriously? Totoo bang nagreply siya?” Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko at ramdam ko yung pag-init ng mukha ko.

Binasa ko yung message niya. Hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Hanggang sa nag-chat na kami at hindi ako makapaniwala kasi yun yung first convo namin na ako ‘yung nag-initiate at hindi yung mga dormmates ko na chinat siya noon. Alam mo yung parang lagi lang kayo nag-uusap type of convo, parang walang nangyari di pamamansin at pag-iwas. Parang noon lang.

Nagtapos yung convo namin sa tanong na, kung naniniwala siya sa kin sa sinabi ko na crush ko siya. Ang sabi niya, “Di ba joke ‘yun?” Ang sabi ko, “HAHAHAHA hindi nga HAHAHAHA”

Hindi siya nagreply.

Pinatay ko yung wifi sa phone ko at natulog ng maaga dahil pagod na ako. Napaginipan ko na nagreply siya. Pero paggising ko hindi pala. Sinabi ko ulit, nilinaw ko na hindi yun joke. Na it took a lot of courage for me to say it. Nasabi ko lang yun kasi wala na ako sa lugar kung saan siya nakatira at nag-aaral. Pero nagreply din siya noong umagang yung at sinabi na, “HAHAHAHA akoy naniniwala HAHAHA.”

Tangina, para kaming naglolokohan.

Ang sa akin lang, sana nagreply lang siya at tinapos na niya doon ang convo namin. Hindi na sana siya nagtanong. Nagpasalamat nalang sana siya. Sana sinabi niya, “Thank you. Thank you din sa feelings mo.” Okay na sana kung yan nalang sinabi niya eh. Pero hindi. Yung feelings ko tuloy na-confuse. Alam mo yun, urong-sulong, yung tipong sige push bes ay hindi pala, hilahin mo pabalik ang feels.

Ang sabi ko nalang sa sarili ko, “Bes, wag mo nalang bigyan ng kulay. Kapag ganun kasi, magkakagusto ka lang sa kanya lalo. Kapag na-fall ka ng husto, mas masakit kasi walang sasalo sa’yo kasi ikaw lang ang may gusto sa kanya. Self-support ‘to bes, pag na-fall ka, moderate lang yung pag-alam mong sobra na, hanap ka ng stick, itukod mo sa sarili mo para hindi ka lalong ma-fall.”

Ayoko na kasi maulit yung dati. Medyo ganyan din yung sa dati kong ka-MU pero yun pa-fall talaga si Kuya at ako si tanga, ay umasa pa. Sinaktan na nga, two times. Sige, game pa. Naging masokista tuloy ako pero natututong maging sadista dahil sa dating unibersidad.

Pero wala naman siyang sinabi nakaka-fall. Kaya nag-isip na ako ng counter-measures para sa puso ko, yung tipong sinabi ko agad, “Bes, friendly chat lang ‘yan. Catching up ‘to bes.”

Para lang hindi ako umasa. Yan kasi hirap sakin, konting kibot lang, may meaning kahit wala. Inuuna ang feels bago pag-iisip.

Sabi nga ni ‘THE BEST ROOMMATE EVER’, “Baka, it’s the start of something beautiful.”

Oo baka nga, start ng mas magandang friendship.

So, bes, kalma lang. Wag mag-assume. Mag-move on ka nalang paunti-unti.

Kaya mo ‘yan.

Sana kasing dali nalang ng pagpikit ng mata ang pag-move on.

HAY. BAKIT BA AKO NAGKAGUSTO SA’YO?

 

 

Advertisements

Happy Birthday.

Happy Birthday.Magandang Kaarawan.

Ito din ang mga katagang sinabi ko

noong nagpag-isipan ko

na itigil na ang kahibangang ko sa taong minahal ko.

Hindi ko alam na ito din pala ang sasabihin ko sayo.

Ang mga katagang ito na mistulang masaya sa pandinig mo,

ay parang kutsilyo na tumutusok sa sa puso ko.

Kasabay kasi ng pagbati ko ng ‘Magandang Kaarawan’ sa’yo,

ay sinabi ko ang tunay na nararamdaman ko.

Ang dapat na mahal kita

ay nauwi sa crush kita.

Hindi mo man lang binasa ang message ko,

ganun din kasi ang ginawa mo noong binati kita noong isang taon.

Okay lang kahit i-seen mo ako,

ang mahalaga ay nabasa mo ang nilalaman nito.

At nalaman mo ang tunay na nadarama ko.

Kasalanan ko naman ‘to, pinutol ko kasi ang koneksyon ko sa’yo.

Bumabawi ka siguro, sa pag-iwas na ginawa ko.

Takot kasi ako,

na malaman mo ang totoo,

na ikaw na nakilala ko,

ay minahal ko ng ganito.

Pero salamat na din dahil naalala ko,

na kaya ko pang magmahal ng ganito.

Bago matapos ang araw na ‘to,

naghihintay ako na mabasa mo ang mensahe ko.

Hanggang sa muli,

sana hindi pa huli.

Magandang Kaarawan sa iyo.

Panahon na para magmomove on na ako.