A Confession, Maybe?

So ayun, since may pakana ang IDILY (I’m Drunk, I Love You) na alam kong isang magandang film na you should all watch na hindi ko pa napapanuod kasi hectic ang schedule ng bes niyo. So si ako ay naglakas loob ulit akong magconfess sa’yo. Ayoko sa fb we have a lot of common friends tapos may reputasyon po ako nabinibuild. HAHAHA. Chos. Actually, sa estado ng mga bagay-bagay ang habol ko lang ay rejection mo para makapagmove-on na ako sa’yo kung i-rereject mo ko. Pero kung hindi, tara magpapafiesta ako. HAHAHAHA (PS. Sa mga friends ko na kilala ako, mahal ko kayo HAHAHA)

Hi, Chua! Alam kong hindi mo naman mababasa ‘to pero first of all, HI. Sorry, nag-name drop na ako kasi hindi mo naman malalaman kung sino ako after kong mag-drop ng hints sa FB and all. Sure akong, hindi mo ako kilala.

Crush kita. Oo, crush kita at sinabi ko sa’yo sa chat na crush kita noong birthday mo at hanggang ngayon nag-aantay pa din ako sa kung ano ang gagawin ko sa feelings ko sa’yo. I mean, whooping 5 years, hindi ko alam kong paano ko na-maintain ung feelings ko sa’yo despite na hindi tayo nagmeet ng sobrang tagal pero minsan nagkikita tayo pero hindi kita kinakausap or pinapansin. And to that, I’m sorry. Sorry kasi I’m too scared na malaman mo na may feelings ako sa’yo.

Sorry kung hindi kita nilapitan noong Fair kahit nakita kita. Pinangunahan kasi ako ng hiya, di ko kasi alam sasabihin ko sa’yo kasi after so many years doon lang ulit tayo mag-uusap or sa chat lang tayo nag-uusap.

Please kill this feeling. Hindi ko na kasi alam kung saan ko siya ilulugar. Ilang araw na on loop sa playlist ko na ang kanta lang ay Bakit Pt.2 ng Mayonnaise at Dapit-Hapon ni Ebe Dancel. Gusto ko na malaman ang totoo kung ano ba talaga ako sa’yo, gusto ko lang malaman kung kaibigan lang ang turing mo sa’kin na isang multo sa kahapon mo na nagparamdam sa’yo.

Isa lang masasabi ko. Salamat, salamat kasi nalaman ko na capable pa pala ako ma-inlove despite sa nangyari sa’kin in the past. Wooooh, my second unrequited love. Ikaw yung pangalawang tao na pinagtapatan ko ng pag-ibig. Yung una, walang nangyari, nasaktan, umiyak, bumangon ulit ang bes niyo. Yung pangalawa, wala pa. Di ko alam. Thank you kasi isa ka sa mga naging inspirasyon ko para makabangon muli kahit hindi mo alam yung mga memories ko kung saan nakasama kita, naka-interact, naka-usap, lahat yun parang isang short film na tumatakbo sa utak ko kung saan ako lang mag-isa ang nanunuod. Salamat kasi nagkaroon ako ng lakas ng loob para masabi ang mga bagay na hindi ko kayang sabihin. Salamat kasi hindi mo ko sineen zone, binasa mo message ko, nagrereply ka at pinapatawa mo ko. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa tuwing nakikita kong nag-aappear ang pangalan mo sa screen ng iPhone ko.

So, eto na ba. Eto na ba ang wakas ng pagtatapat na ito, gusto ko lang sabihin sa’yo. Noong Feb Fair at inaantay ko yung message mo akala ko drawing ka tulad nung dormmate ko (shout out sa’yo bes, bitter pa din ako sayo), sinabi ko sa sarili ko na kapag nakita kita. Iba na yun. Sa dinami-rami ng tao sa Fair, sa dinami-dami ng lugar na pwede mong kainan, nakita kita. At sa dinami-rami ng signs na hiningi ko, lahat ‘yun nagkatotoo.

Thank you. I’m not drunk but I love you. 😀

PS. Actually nainggit lang ako sa post na nakita ko sa fb kasi nagkatuluyan sila ng crush niya after niya mag-confess. Buti pa siya. HAHAHA.

Advertisements

K dot.

So ayun, nastress kasi ako. Nakakaloka! Bakit ba kailangan mong ipamukha sa’kin na kasalanan ko na naman ang lahat? Every single freaking time, pinamumukha mo ‘to sakin. Ano tingin mo sa akin wala akong feelings at namanhid ako from that incident? Well, you’re wrong. You’re rubbing rock salt to my wounds that you keep on re-opening with your words. Oo, dapat di ako magpaepekto kasi nasasabi mo lang naman ‘yan kasi you’re disappointed in me. Hindi mo nalang sabihin na, “Isa kang malaking disappointment sa pamilyang ‘to.” Oo na, kasalanan ko na hindi ako naka-graduate within four years, oo na, hindi ko na-reach expectations mo. Oo, kasalanan ko na. Ako na naman ang masama, lagi naman.

Sobrang sakit kasi yung sabihan ka na buti pa si ganito graduate na, si ganyan nakagraduate nga in four years dahil ginapang nila pag-aaral nila through scholarships. Well, sila yun. Hindi ako sila. Ako ay ako. Don’t compare me to someone who isn’t me. Eh, iba-iba ang perspective ng tao sa buhay. Iba din yun akin. It wasn’t my fault na nadepress ako, na hindi ko alam kung ano ba ang gusto ko, na ngayon alam ko na finally kung ano ang gusto kong gawin sa buhay. Tapos nakakaloka pa yung sabihin mo yung plano mo sa buhay mo tapos kinokontra ka nila as if di mo kayang ma-achieve yun. WOW WOWIE WOW WOW. SOBRANG EFFIN PUNONG PUNO NA AKO. Gusto kong umiyak sa sobrang asar at galit pero may point sila kasi it’s my fault pero don’t remind me every single time as if treating me like I’m a worthless human being. Hindi masaya, masakit. Kung nasasaktan ka dahil hindi ako nakagraduate sa unibersidad na ‘yun, well sorry. SORRY. SORRY KASI DI KINAYA NG POWERS KO EMOTIONALLY ANG TORTURE NG ACADS AT NG PROBLEMA SA PAMILYA.

Alam ko naman na ako dapat tutulong sa pamilya natin, alam ko, pero pwedeng konting tiis muna. Good things happen to those who wait and success doesn’t happen overnight. Thankful pa nga ako naranasan ko ang ganitong klaseng failure sa buhay at nakaraos ako without taking my life away. Kasi yung feeling na wala ka ng worth sa family and society. Sobrang liit na ang tingin ko sa sarili ko na feeling ko I’m just a speck of dust. Masakit, masakit sa loob kasi kung kelan naman ganitong masaya ka na sa ginagawa mo sa buhay parang sila pa yung hindi masaya para sa’yo na dapat maging support mo sa buhay. Tama nga si Erik Erikson, at this stage of my life I am searching for intimacy but I kept on being inclined to isolation. Mas masaya pang mag-isa kasi wala kang problema. I can’t find intimacy even from my parents who think I’m nothing but a huge ball of failure. Sobrang sakit guys mamuhay sa isang bahay na ang mga tao parang naglalaro nalang ng bahay-bahayan.

 

 

LARO TAYO

[1]

Tagu-taguan.

Maliwanag ang buwan.

Pagbilang kong tatlo nakatago na kayo.

Isa.

(Unang ma-inlove talo.)

Dalawa.

(Tayong dalawa ang naglalaro)

Tatlo.

(Ang huling bilang mo bago ko nalaman na ikaw ang panalo)

 

[2]

Binuksan ko ang pinto. At paghakbang ko ay isang museo ang bumulaga sa akin. Lumingon ako sa paligid ng dapat ay kwarto ko ngunit unti-unti itong nagbabago at naging kwarto ng mga janitor. Napabuntong-hininga nalang ako. “Heto na naman,” ang sabi ko. Naglakad lakad ako sa loob ng museum at mula sa malayo ay nakita ko ang isang lalaki na nakasuot ng blue na long sleeves at black pants pero ang ulo niya ay natatakluban ng isang puting kahon. Nagtaka ako dahil pakiramdam ko nakatingin siya sa’kin at parang ako lang ang nakakakita sa kanya.

Naglakad ako papalapit sa kanya pero bigla siyang nawala. Hinanap ko siya, nagpa-ikot ikot ako sa loob museo pero di ko siya nahanap. Hanggang sa nakita ko ulit ang pinto na pinanggalingan ko, pagbukas ko nito tila may tumulak sa’kin at ako’y napadapa habang pumapasok sa loob. Ang dating janitor’s room ay naging fire exit at sa taas ng hagdan ay nakita ko siyang nakasilip sa’kin. Umakyat ako ng hagdan. Pag-akyat ko ay wala siya. Bumaba ulit ako at nakita ko siya na pababa ng hagdan habang sinusundan ko siya, bigla siyang nawala. Umakyat ulit ako, at pag-akyat ko ay nakakita muli ako ng isang pinto.

Binuksan ko ang pinto. Isang malaking kapatagan na may malaking puno sa gitna ang nakita ko. Nandun siya sa harap ng puno, parang inaantay niya ang pagdating ko. Habang naglalakad ako papalapit sa kanya. Siya ay tumatakbo palayo. Hinabol ko siya, para kaming naglalaro ng habulan sa gitna ng kapatagan, sa ilalim ng araw. Habang hinahabol ko siya ay tumawa ako, sobrang lakas ng tawa ko ay napahinto siya. Nilabas niya ang cellphone niya mula sa kanyang bulsa. Sinenyasan niya ako na lumapit. Lumapit ako. Tumayo ako sa tabi niya at itinaas niya ang kanyang cellphone. Picture pala ang gusto niya. Tumingin ako sa camera lens ng cellphone at sa screen nakikita kong unti-unting naglalaho ang puting kahon sa ulo niya.

At bago niya i-click ang button para makuha ang picture naming dalawa, siya ang nagbilang.

“Isa.”

“Dalawa.”

“Tatlo.”

Napapikit ako nung sinabi mo ang salitang, “Tatlo.”

Pagmulat ko, wala na siya sa tabi ko. Lumuha ako at napabutong hininga. Tiningan ko ang picture nating dalawa.

“Sa huli, iiwanan mo din pala ako.”

 


Long time, no post. I wrote a little something based on the dream I had this afternoon and my favorite song and LSS for like two months now which is ‘Laro’ by Autotelic. You should check the band’s other songs because they are all  A+ to the infinity. And I am so excited to see them live. 😀

PS. Humuhugot lang ako dahil sa taong ka-chat ko chos hahaha hindi kasi ako natutuwa sa kanya hahaha para kaming naglalaro ng habulan