LARO TAYO

[1]

Tagu-taguan.

Maliwanag ang buwan.

Pagbilang kong tatlo nakatago na kayo.

Isa.

(Unang ma-inlove talo.)

Dalawa.

(Tayong dalawa ang naglalaro)

Tatlo.

(Ang huling bilang mo bago ko nalaman na ikaw ang panalo)

 

[2]

Binuksan ko ang pinto. At paghakbang ko ay isang museo ang bumulaga sa akin. Lumingon ako sa paligid ng dapat ay kwarto ko ngunit unti-unti itong nagbabago at naging kwarto ng mga janitor. Napabuntong-hininga nalang ako. “Heto na naman,” ang sabi ko. Naglakad lakad ako sa loob ng museum at mula sa malayo ay nakita ko ang isang lalaki na nakasuot ng blue na long sleeves at black pants pero ang ulo niya ay natatakluban ng isang puting kahon. Nagtaka ako dahil pakiramdam ko nakatingin siya sa’kin at parang ako lang ang nakakakita sa kanya.

Naglakad ako papalapit sa kanya pero bigla siyang nawala. Hinanap ko siya, nagpa-ikot ikot ako sa loob museo pero di ko siya nahanap. Hanggang sa nakita ko ulit ang pinto na pinanggalingan ko, pagbukas ko nito tila may tumulak sa’kin at ako’y napadapa habang pumapasok sa loob. Ang dating janitor’s room ay naging fire exit at sa taas ng hagdan ay nakita ko siyang nakasilip sa’kin. Umakyat ako ng hagdan. Pag-akyat ko ay wala siya. Bumaba ulit ako at nakita ko siya na pababa ng hagdan habang sinusundan ko siya, bigla siyang nawala. Umakyat ulit ako, at pag-akyat ko ay nakakita muli ako ng isang pinto.

Binuksan ko ang pinto. Isang malaking kapatagan na may malaking puno sa gitna ang nakita ko. Nandun siya sa harap ng puno, parang inaantay niya ang pagdating ko. Habang naglalakad ako papalapit sa kanya. Siya ay tumatakbo palayo. Hinabol ko siya, para kaming naglalaro ng habulan sa gitna ng kapatagan, sa ilalim ng araw. Habang hinahabol ko siya ay tumawa ako, sobrang lakas ng tawa ko ay napahinto siya. Nilabas niya ang cellphone niya mula sa kanyang bulsa. Sinenyasan niya ako na lumapit. Lumapit ako. Tumayo ako sa tabi niya at itinaas niya ang kanyang cellphone. Picture pala ang gusto niya. Tumingin ako sa camera lens ng cellphone at sa screen nakikita kong unti-unting naglalaho ang puting kahon sa ulo niya.

At bago niya i-click ang button para makuha ang picture naming dalawa, siya ang nagbilang.

“Isa.”

“Dalawa.”

“Tatlo.”

Napapikit ako nung sinabi mo ang salitang, “Tatlo.”

Pagmulat ko, wala na siya sa tabi ko. Lumuha ako at napabutong hininga. Tiningan ko ang picture nating dalawa.

“Sa huli, iiwanan mo din pala ako.”

 


Long time, no post. I wrote a little something based on the dream I had this afternoon and my favorite song and LSS for like two months now which is ‘Laro’ by Autotelic. You should check the band’s other songs because they are all  A+ to the infinity. And I am so excited to see them live. 😀

PS. Humuhugot lang ako dahil sa taong ka-chat ko chos hahaha hindi kasi ako natutuwa sa kanya hahaha para kaming naglalaro ng habulan

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s