A Confession, Maybe?

So ayun, since may pakana ang IDILY (I’m Drunk, I Love You) na alam kong isang magandang film na you should all watch na hindi ko pa napapanuod kasi hectic ang schedule ng bes niyo. So si ako ay naglakas loob ulit akong magconfess sa’yo. Ayoko sa fb we have a lot of common friends tapos may reputasyon po ako nabinibuild. HAHAHA. Chos. Actually, sa estado ng mga bagay-bagay ang habol ko lang ay rejection mo para makapagmove-on na ako sa’yo kung i-rereject mo ko. Pero kung hindi, tara magpapafiesta ako. HAHAHAHA (PS. Sa mga friends ko na kilala ako, mahal ko kayo HAHAHA)

Hi, Chris Ivan Chua. Alam kong hindi mo naman mababasa ‘to pero first of all, HI. Sorry, nag-name drop na ako kasi hindi mo naman malalaman kung sino ako after kong mag-drop ng hints sa FB and all. Sure akong, hindi mo ako kilala.

Crush kita. Oo, crush kita at sinabi ko sa’yo sa chat na crush kita noong birthday mo at hanggang ngayon nag-aantay pa din ako sa kung ano ang gagawin ko sa feelings ko sa’yo. I mean, whooping 5 years, hindi ko alam kong paano ko na-maintain ung feelings ko sa’yo despite na hindi tayo nagmeet ng sobrang tagal pero minsan nagkikita tayo pero hindi kita kinakausap or pinapansin. And to that, I’m sorry. Sorry kasi I’m too scared na malaman mo na may feelings ako sa’yo.

Sorry kung hindi kita nilapitan noong Fair kahit nakita kita. Pinangunahan kasi ako ng hiya, di ko kasi alam sasabihin ko sa’yo kasi after so many years doon lang ulit tayo mag-uusap or sa chat lang tayo nag-uusap.

Please kill this feeling. Hindi ko na kasi alam kung saan ko siya ilulugar. Ilang araw na on loop sa playlist ko na ang kanta lang ay Bakit Pt.2 ng Mayonnaise at Dapit-Hapon ni Ebe Dancel. Gusto ko na malaman ang totoo kung ano ba talaga ako sa’yo, gusto ko lang malaman kung kaibigan lang ang turing mo sa’kin na isang multo sa kahapon mo na nagparamdam sa’yo.

Isa lang masasabi ko. Salamat, salamat kasi nalaman ko na capable pa pala ako ma-inlove despite sa nangyari sa’kin in the past. Wooooh, my second unrequited love. Ikaw yung pangalawang tao na pinagtapatan ko ng pag-ibig. Yung una, walang nangyari, nasaktan, umiyak, bumangon ulit ang bes niyo. Yung pangalawa, wala pa. Di ko alam. Thank you kasi isa ka sa mga naging inspirasyon ko para makabangon muli kahit hindi mo alam yung mga memories ko kung saan nakasama kita, naka-interact, naka-usap, lahat yun parang isang short film na tumatakbo sa utak ko kung saan ako lang mag-isa ang nanunuod. Salamat kasi nagkaroon ako ng lakas ng loob para masabi ang mga bagay na hindi ko kayang sabihin. Salamat kasi hindi mo ko sineen zone, binasa mo message ko, nagrereply ka at pinapatawa mo ko. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa tuwing nakikita kong nag-aappear ang pangalan mo sa screen ng iPhone ko.

So, eto na ba. Eto na ba ang wakas ng pagtatapat na ito, gusto ko lang sabihin sa’yo. Noong Feb Fair at inaantay ko yung message mo akala ko drawing ka tulad nung dormmate ko (shout out sa’yo bes, bitter pa din ako sayo), sinabi ko sa sarili ko na kapag nakita kita. Iba na yun. Sa dinami-rami ng tao sa Fair, sa dinami-dami ng lugar na pwede mong kainan, nakita kita. At sa dinami-rami ng signs na hiningi ko, lahat ‘yun nagkatotoo.

Thank you. I’m not drunk but I love you. 😀

PS. Actually nainggit lang ako sa post na nakita ko sa fb kasi nagkatuluyan sila ng crush niya after niya mag-confess. Buti pa siya. HAHAHA.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s