Tuldok.

So ayun na nga, pinadala ko na ang huling sulat ko para sa kanya. After 4 days of thinking to and fro, nasend ko na kahapon at pinag-isipan pa niya kung babasahin niya or hindi pero sa huli binasa pa din niya at ngayon nag-aantay ako ng reply mula sa kanya.

Bakit ako sumulat?

Sa loob ng 6 na buwan na magkausap kami, masaya ako. Masaya ako dahil nakakausap ko siya ng walang ilangang naganap. Alam niyang crush ko siya pero yung pala yung mali ko, sinabi ko na crush ko siya. Nag-aantay kasi ako ng isasagot niya sa akin, hindi ko pala makukuha ‘yun kung hindi ko lilinawin sa kanya ang nararamdaman ko.

Nasabi ko na. At inaantay ko na ang katapusan ng kahibangan kong ito. Sa totoo lang, maluwag sa pakiramdam na nasabi ko na sa kanya. Wala na yung nakadagan na mabigat sa dibdib ko na hindi ko alam kung ano ba talaga.

So, pakibilisan. HAHAHA. Don’t prolong the agony. Magpapagupit na po ako. Kailangan masama ko na yung feelings ko sa pagpapaiksi ng buhok ko.

New hair, new start.

So, ayun. Sana matuldukan na. Ayoko kasi yung feeling na nakatanga ka lang sa kawalan. Yung feeling mo meron, para parang wala. Gusto kong magkaroon ng karugton pero feeling ko malapit na siyang matapos. Kung malagyan man ng ibang bantas ang kwento na ‘to, eh di masaya. AHAHAHAHA