Dear Ikaw

So ayon, it’s that time of the year ulit. Death anniversary ngayon ng best friend ko. At siya ang taong tanging sumporta sa ‘kin noon mga panahong nalulungkot ako at ang taong nagpapaalala sa akin na hindi ako nag-iisa.

Hindi siya ang pag-uusapan natin dahil para sa ibang medium ang kwento naming dalawa hindi para sa blog post na ito. Ang pag-uusapan natin ay ang crush ko hanggang ngayon na si C. Si C na walang malay. Ikuwkwento ko siya dahil bored ako. Joke, may reason kung bakit. Funny nga eh. So ayun, sa mga nakakakilala sa ‘kin alam niyo na ‘to, kilala niyo siya kaya shut up nalang guys, please.

Si C ay nameet ko nung nasa sa dati kong university through a friend noon July 2, 2012. Oh, di ba? Iba si ate girl memorize ang dates. Detailed story ‘to guys kaya kabog. So ganito yan, kami ni P ay medyo super classmates noong semester na ‘yun tapos si P ay GC at ako naman ay isa lang estudyanteng sagigilid. Yung masaya na sa tres. Niyaya ako ni P na mag-aral sa library. Ako naman, napa-oo. Tapos nakipag-meet kami sa isa pa niyang friend na si Y. Ayun, introduce introduce tapos habang naglalakad kami papuntang lib sinabi ni G, “P, sasama daw si C sa atin. Okay lang ba?” Sabi ni P, “Sure, sige okay lang.” Ako naman inassume na babae si C. Nashock si ate girl noong dumating siya at lalaki pala siya and then inassume ko na beki si kuya. So introduce, introduce ulit. Inignore ko si kuya dahil di ko naman siya knows at nagmukha na akong saling ketket sa kanilang grupo. So, nagusap-usap sila about something na di ko gets. Maya-maya nagkwentuhan na ulit kami. Tapos tinanong niya ulit pangalan ko. Sinabi ko nickname ko. Nagulat siya, ang sabi niya, “Hindi nga. Ang cool naman.” Tapos inulit-ulit niya pangalan ko kaya natawa ako. Marami akong nalaman tungkol sa kanya, mahilig din siya sa anime. One Piece ang gusto niya at pinagpilitan niya sa kin na basahin ko to. Nakakita din siya ng multo at kinuwento niya ang weird experiences niya. Mahilig din siya sa gore. We have the same taste. Ang funny. Tapos magsasabi si P, na wag siyang BI kasi nag-aaral kami tapos tatahimik na ulit. Minsan mag-glance ako sa kaniya tapos si Y ay medyo sweet sa kanya. So inassume ko na may relationship sila medyo napa-AWWWW nalang ako deep inside pero sabi ko ano naman ang pake ko sa kanila. Maya-maya naglabas siya ng 2X2 picture na tinawanan ko tinanong ko kung sino yun ang sabi niya siya daw. Ang sabi ko hindi niya kamukha.  Yun nagdaldalan na kaming dalawa. Marami siyang nakwento. Isa dun yung gusto siyang pasalihin ng ate niya sa Mr. Pogi tapos yung conflict niya sa tatay niya. Nagtanong pa siya sa’min noon kung alin yung bagay sa kanya naka-glasses or hindi. Sabi noon dalawa hindi, ako lang nagsabi ng bagay sa kanya. Sinabi din niya na masarap yung bagong ice cream sa Mini Stop tapos niyaya naming siya pero may tumawag sa kanya at kailangan niyang umalis.

After nun, tumambay kaming tatlo sa dorm habang kumakain ng fishball at kwek-kwek tapos tinawagan ni Y si C at inasar-asar naming siya. Kasi habang papunta kami sa dorm pinag-uusapan naming siya. Ang sabi namin, bagay sa kanya mag-crossdress tapos sobrang funny nung convo hindi ko na matandaan pero ang alam ko ang funny nun Tapos tinanong naming siya kung naka-ilang girlfriend na siya ang sabi niya MU lang daw. LOL. Ako din MU lang din ako. Tumatak sakin ang first meeting namin.

Agad akong nagtanong sa dorm kung may kilala sila C. At luckily meron, si F. Kinuwento ko sa kanya ang lahat then niyaya niya ako sumama sa kanya sa Thursday. Akala ko hanggang doon nalang ang pagkikita naming hindi pala.

Sumama naman ako at nandun din siya. Nagmeet kami noon pero pauwi na. Tapos niloko ko siya and sabi ko libre niya kami ng ice cream. After ng ilang pilit, nilibre niya din kami pero actually may sakit ako noon at bawal ng malamig. Pero push. Pumasok kami sa Mini Stop at nalaman na walang strawberry ice cream kaya sobrang sad. Pero nag-ice cream pa rin kami. Niloko ko pa nga siya na Magnum ibili niya sa akin. Natawa lang siya at sabi, “Sinuswerte ka, ha.” Tapos yung habit ko na panghahampas sa friends ay nagawa ko unconsciously na ikinagulat niya na ikinagulat ko din tapos nagbiruan na kami. Tawa-tawa ganyan. Habang kinukuha ko yun ice cream, kami lang kasi yung nasa may counter, nakita ko sa reflection sa salamin na nakatingin siya sa kin or assuming lang ako. Pero sure ako na nakatingin siya sakin. Sure talaga ko. Tapos after kong makuha yung ice cream ang sabi ko with a happy expression, “Thank you, C.” Sabi niya, “Tuwang tuwa ha.” Tinanong pa niya kung may kasabay ako pauwi. Ang sabi ko meron si F. Tapos ayun, nagbabye na kami.

Yung inaasar ko sa kanya noon ay yung pagtawag ko sakanya by apelyido. Ganito yung convo.

“Ayokong *** ang itawag sayo, masyadong mahaba. Mas maganda yung *** pakinggan.”

“*** nga ang pangalan ko, ang kulit.”

“Ayoko nga, ***, *** ang itatawag ko sa’yo.”

Naggive-up din siya.

Ilang Thursday din akong pumupunta doon. Tapos one time, kwento ni F ‘to sakin. Nakaupo pala kami two rows behind him. Hindi ko alam. May biglang kumalabit sakin paglingon ko siya pala yun. Kinawayan ko siya tapos after noon sabi sakin ni F, “Haba ng hair mo ha, todo kalabit kaya si C sa’yo.” Sabi ko, “Weh, hindi nga.” Natuwa lang ako sa mga moments na ganun. Wala lang nakakilig. Chos. Babaw ko no.

Isa pa pala yung nagstart na siyang magsalamin. Naalala ko bigla after kong sabihin yun nagstart na siya magsalamin. Napansin ko yun tapos tinanong ko siya ang sabi niya malabo daw paningin niya. Minsan may times na siya naginitiate ng convo habang inaantay namin yung iba. Meron pa nga yung may tinanong siya kung nasa akin daw yung notes sa ganitong subject sabi ko paano mapupunta sakin di kami magkacourse. Tapos nagtawanan lang kami.

Meron pa yung nagmaganda ako tapos kasama ko mga dormmates ko noon kasi may special guest. Nakita niya ako ang sabi niya, “Yes, bihis na bihis.” Sabi ko medyo asar, “Masama bang magdress?” Ang tsundere ko pala ngayong ko lang narealize. Tapos asar na asar ako for some reasons kasi unconsciously pala akong nagmaganda para sakanya. Narealize ko lang ‘to noong sinabi nung dormmate ko na may crush ako sa kanya. Tapos namula ako bigla at tinaggi ang lahat. After noon, may mga constant questions sa utak ko, at isa doon ay kung crush ko siya. Kasi sa mga panahon yun, nagmomove on ako sa dati kong di malaman kung naging relationship ba o naglalaro lang kaming dalawa ng dating simulation.

Yung minsan naman na nagdress ako, kinalabit niya ulit ako at nag-hi siya. Nagmaganda na talaga ako noon for him. Conscious na ako. At sabi ng friends ko nagkatitig daw siya sakin hanggang sa makaalis kami ng DL.

Marami kaming funny moments. Sobrang haba na kung isusulat ko. Sobrang daming memories na involve sa kanya na hindi ko alam kung may gusto ba ako sa kanya or infatuated ako or ginagawa ko siyang rebound.

Then, nalaman ko after 1 year na hindi yun ang first meeting namin, nameet ko na pala siya before. Noong birthday ni F, sinurprise siya noong group nila. Siya yung nasa may gilid ng pinto na may hawak noong cake. Nagulat ako sakanya at ganun din siya. Sino bang hindi? Ladies dorm yung dorm ko, Ako din yung tumulong sa kanila para tawagin si F at bago ako umakyat sa taas ay pinanuod ko yung siyang masurprise. Nagthank you siya sa’kin at ngumiti lang ako then umakyat.

Yung memory na naiwan sa isip ko bukod sa part siya noong 18th birthday ko at binigyan niya ako ng flowers na handmade by my precious dormmates ay yung isang gabing yun.

Pauwi na kasi kami pero si F ay may kausap pa sa loob so ako naman nagvolunteer na lalabas nalang dahil masyadong maraming tao sa loob. Tapos nakatayo ako sa may pinto then may nakabangga sakin tapos napaurong ako patalikod tapos muntik na akong matisod tapos napahawak ako sa tao sa likod ko. Noong mag-sorry  na ako, nakita ko na si C yun. Nakahawak ako sa braso niya tapos nagtitigan kami for 5 seconds. First time kong maranasan yun, parang tumigil yung mundo mo, yung everything is in slow motion, as in ang surreal nung feelings, tunay pala ‘yun, so agad akong bumitaw tapos nag-thank you. Tapos for some reasons, sobrang awkward. Dumating si F at tinanong si C, “Bakit ka namumula?” Di ko malilimutan yun.

Dumating din sa point na humingi ako ng sign. Sign kung siya ba talaga. Nagstart siya as a joke. Ang sabi ko kapag nakakita ako ng pulang ford, meant to be kami. Nakakita ako. Di ako naniwala after noon pink na kotse, the funny thing is nakasunod sa pulang ford ang pink na kotse.

Di ako naniwala hanggang sa the signs keep on showing.

Noong death anniversary noong bestfriend ko tulad ngayon, sinabi ko sa kanya kung ipapamigay na ba niya ko pakita siya ng sign. May nakita akong pulang ford tapos nakita ko siya. Napamura ako. Promise. Sabi ko, “Tangina, yung totoo.”

Hindi ako naniwala kasi ayokong may panghawakan na something at umasa dahil mahilig akong umasa.

So anong nangyari sa’min yung dapat na that thing called tadhana naging that thing called tanga kasi iniwasan ko siya for some reasons tinatakbuhan ko siya. After kong marealize na gusto ko siya, tinakbuhan ko siya kasi natakot ako. Natakot ako na baka sa idea ko sa kanya ako in-love at hindi sa kanya. Ang sabi ng friends ko crush niya din ako. Hindi ako naniniwala pero ramdam ko malakas ang pakiramdam ko diyan minsan pero minsan dense din ako.

So, bakit ko ‘to sinusulat at ano ang involvement ni bestfriend dito?

Lately kasi, bumalik ang signs at nangyari to this week before ng death anniv niya. The signs all pointed to him once again. Sabi ko, bakit? Bakit? Bakit?

Pakigising naman ako katotohanan.

I am still holding onto my feelings for him. So ayun, gathering all the courage that I have kahit cowardly yung way na ito, I am confessing my feelings to you.

Hi, C!

Kung naalala mo pa ko, hello.  First of all, thank you. Thank you dahil naramdaman ko yung kiligin ulit, kahit ngayon kinikilig ako habang sinusulat ‘to. Lumalakas pa rin ung tibok ng puso ko kapag binabanggit ko pangalan mo. Thank you talaga for making me feel this way again. Akala ko kasi hindi na ako capable magkacrush at mainlove ulit pero nalaman ko na pwede pa pala may ibubuga pa pala yung puso ko. Thank you.

Sorry. Sorry kasi iniwasan kita. Di ko kasi alam gagawin ko. Confused kasi ako sa feelings ko sa’yo noon tapos may problema pa ako sa sarili ko kaya magulo ang utak ko noon. Pero ngayon after kong i-sort out lahat. Nalaman ko na, gusto kita. Gusto pa din kita. Whooping 5 years of unrequited love. Sanay naman ako sa ganyan yung last niya 11 eh. Selfish kasi ako, sorry.

Sana magkita ulit tayo someday.

Kung fated talaga, sana magkita ulit tayo.

I like you, **** **** ****.

I hope our paths may cross one of these days.

Until then, M.

PS **** YUNG MAGNUM KO! Magbibirthday ka na next month di ko pa din nakukuha. Promise mo yan di ba?

Di na ako umaasa sa reply kasi gusto ko lang malaman ng iba na wag tanga at gumaya sakin. Kung gusto mo siya sabihin mo, wag pabebe. Mahirap kasi guys maghold on sa isang bagay na wala naman certainty. So ayun, sa mga nagbasa thank you for your time.

Sana mahanap na natin ang love na deserve natin.

So, anong tingin mo? Kakalimutan ko na ba ang feelings ko sa kanya or I’ll hold onto it?

Advertisements

To: A

[1]

My love story is filled with wrong decisions and regret.

I fell in love at the wrong time.

I fell in love with the wrong person.

I left the person who loved me the most,

And watched him wait for me until he died.

(2)

“I let you go,” you said with all smiles.

I swallowed my lump of feelings for you stuck down on my throat.

I thought, it could let me think that you let me go.

You didn’t.

You let me go but you never let go of my heart.

You brought it with you until your last breath.

{3}

I love you.

I love you.

I love you.

I regret that I never get to love you.