To C

Para sa’yo to, C. Para sa huling araw na sasabihin ko sa sarili ko na gusto kita. Tutuldukan ko na ang pinahaba kong pag-asa sa’yo. Sa loob ng limang taon kong pagkakaroon ng gusto sa’yo, sa loob ng isang taon na pag-uusap natin at pagbibigay saya sa puso kong di ko alam na marunong pa palang umibig ng ganito. Hindi kita sinisisi, wala akong sinisisi, kasi ako ang may gusto nito. Ginusto ko na ikaw ang magustuhan ko at ginusto ko na umasa ng ganito. Oo, masakit sa part ko kasi umasa ako na meron. Kasi pakiramdam ko meron, yun pala isa lang ako sa mga kaibigan mo.

Marami akong naramdaman na hindi ko naramdaman noon. Marami akong ginawa na hindi ko alam kaya kong gawin para at lahat ng ito dahil sa’yo. Thank you ng sobra. Last na ‘to promise, hindi na ako hihirit pa. Iiyak ko nalang ‘to ngayong gabi para bukas wala na, at sana bukas paggising ko, wala na akong maramdaman para sa’yo. Thank you, my second unrequited love. I love you, and so long. Until we meet again. Happy Birthday. 😀

Advertisements

And so we meet again.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong gagawin kong title sa post na ‘to. HAHAHA. Hanggang ngayon nasa gitna ako ng reality and outer space, haha, outer space talaga. I mean, di pa din ako makapaniwala sa ginawa ko, sa nangyari, sa lahat. I mean, wowie, wowie, wow, wow.

So, heto na. Isusulat ko na ang kwentong hinahanapan ko ng wakas, pero parang ayaw niyang magwakas.

Nagkita kami. After 4 years, nagkita kami. Technically,  4 years sa aking pagkakatanda. To be honest, natatandaan ko lahat ng pagkikita namin. Isa yan sa mga unique ability ko, natatandaan ko lahat ng nangyari as long as memorable to HAHAHA parang yung mga panaginip ko natatandaan ko sila.

Paano kami nagkita? Well, dahil idol ko ang BDO, we find ways. Ngayong darating na semester kasi may mga majors ako na kailangan ko ng handouts para makapag-aral na agad ako kasi adib adib ako. Dapat ang hihiraman ko ng libro mga dormmates ko kasi kailangan nila yun sa board exam nila. Tapos naalala ko siya kasi saktong nag-online siya noong nasa lib ako habang gumagawa ng module sa PhilLit. Nag-PM ako sakanya sabi ko, “Uyyy, may notes ka ng BIO30 and Cell Bio, pahiram naman ako.” Tapos pinatay ko WiFi ko sa phone kasi malolowbatt na siya tapos after 5 minutes binuhay ko para mag-reply sa classmate ko, sakto naman na nagreply siya, sabi niya, “Sige. Sure.” Sabi ko kukunin ko sa kanya baka mga Thursday or Next Week kasi nga wala akong datung. Sabi niya, sige lang, tapos nag-offer siya na puntahan ako. I WAS SHOOK. Di naman directly, indirectly, medyo narealize ko lang yun after kong i-chat yung roommate ko kasi siya yung may alam ng shenanigans ko. So, sabi ko balitaan ko siya kung kelan ako pupunta at di ko inexpect na agad-agad akong makakapunta sa dati kong uni.

Dumating ang Thursday (nangyari ang lahat kahapon 5/25). Paggising ko, I was like, “SHET TANGINA THIS IS IT PANSIT”. Di ako nakatulog noong kinagabihan, excited pala si ate bes. Hindi actually yung utak ko, patuloy na nagpapakita ng mga simulations na di ko kailangan dahil pinapaasa lang ako nun. I mean, I shouldn’t expect kasi baka alam mo na, bigay lang niya sa ‘kin yung libro tapos alis na siya. Di ba? Pwedeng ganyan yung mangyari, so ganyan ang inisip ko. Less expectations, mas okay.

Habang kumakain ako ng breakfast ang sabi ko, kapag walang nangyari, yun na ‘yun. Time to say goodbye kasi ano pa ba ang ipaglalaban ko, wala na di ba? So ayun, umalis ako na ang ineexpect is the worst. Yung mga tugtugan ko pa habang nakasakay ako sa jeep, mga senti, mga Moonstar88, Up Dharma Down, mga ganyanan, tapos ako, F na F and all.

Nakasakay na ako sa bus, noong bigla kong naisip. “Puta, ano ba ‘tong ginagawa ko? Uwi nalang kaya ako. Wag ko na kaya ituloy. Kaso this is it. Wala na akong chance na ma-meet ulit siya kasi mag-grad na siya.” Promise, naisip kong bumaba ng bus at umuwi nalang kaso baka patayin ako ng nanay ko kapag di ako nakapaguwi ng notes.

Nakarating ako dun tapos nagpunta ako sa chapel kasi lagi akong nadaan dun kapag napunta ako sa uni namin. Pinagdasal ko na bigyan ako ng lakas ni Lord na di siya takbuhan at kung ano pa na akin nalang. So naglakad ako, papuntang registar, kasi para makapag-ikot-ikot din ako ganern. So habang naglalakad ako, tinext ko siya na papunta ako dun para dun ko siya antayin kasi may electric fan dun tapos may upuan, sobrang humid kasi sa uni, anak ng teteng kasi bipolar yung panahon, pabebe ayaw pa umulan kaya majinet.

Yung daan papunta sa registar, mga steps siya na box shape, mahirap iexplain pero ayun steps siya, walang tao sa lugar na yun, kasi nga paulan, then, habang naglalakad ako at nakikinig ng OST ng Goblin, di ‘to joke, as in pinapakinggan ko pa yung Winter is Coming. Sobrang lakas ko maka-Eun Tak kahapon HAHA kasi nga kamukha ko daw siya, charot. HAHA. So sa malayuan palang, nakita ko na siya pero nagdoubt ako, sabi ko baka di siya yun, so ako, nageenjoy sa pakikinig habang naglalakad, biglang napalingon, saktong napalingon din siya, tapos sabi niya “Uy!” sabay tawa. Ako nagulat kasi as in, what are the odds na magkita kami sa isang lugar, as in negative pero nagkita kami, nagkita kami dun, parang Goblin mga bes, hahaha. So eto yung convo namin, non-verbartim.

S = Siya  A=Ako

S: Saan ka pupunta?
A: Sa OUR. Ikaw?
S: Magtitingin ng grades, tara samaham kita.

Papunta na kami sa OUR pero hinila ko damit niya. Kasi ayaw ko muna mag-game over.

A: Sasamahan nalang kita, kasi gusto kong mag-ikot.
S: HAHAHA, sige tara.

Lakad lakad papunta dun, sa kung saan. HAHAHA.

S: Parang ang puti mo?
A: LOL, hindi ah. Maitim din kaya ako nun, pumuti lang.
S: Musta?
A: Okay lang.
S: Musta ka na?
A: Keri lang.
S: Tanda mo pa ba dito.
A: Oo naman, HAHAHA, kaloka ka.

Tapos kwentuhan about sa life, kung saan ako nagdorm, sa paborito naming subjects, sa future career and all. Tapos grabe sobrang pawisan niya naloka ako. Sabi niya ganun daw siya. After nun, nagpunta kami sa CAS kasi tinignan namin yung name ng mga graduating, pinahanap niya yung pangalan niya. Nahanap ko naman agad, ako pa ba. HAHAHA. Kahit may salamin ako, kita ko ang lahat.

S: May plano ka ba?
A: Wala, pero baka puntahan ko mga dormmates ko kasi di ko lang alam kung andyan sila.

Hinanap namin mga kasamahan niya tapos kasi umambon, nagpunta kami sa OUR at dun namin sila inantay. Nagkwentuhan kami. Tapos dumating mga friends niya, pinakilala niya ako and all. Kwentuhan. Sobrang haba nito kung ilalagay ko ung convo namin pero more on asaran lang siya at gaguhan lalo na nung hiningi ko na yung libro parang wala siyang balak ibigay. Tapos tinanong ni Friend kung saan daw kami, tinanong niya ako, sabi ko kahit saan kasi wala naman akong pupuntahan. Nagstay muna kami sa may OUR ng medyo 5 minutes. Tapos niyaya niya ako maglaro ng cards sa apartment ng friend niya, si ate bes, umo-oo kasi nga isa’t kalhating dense ang ate niyo. HAHAHA.

Habang naglalakad kami sa may SESAM.

S: Kelan ba tayo huling nagkita?
A: Ewan ko pero alam ko nagtitingin ata ikaw ng finals nun.
S: WOW, naalala mo pa?
A: HAHAHA. Ako pa ba.
S: Wait, paano nga tayo nagkakilala?
*tinignan ko siya ng masama*
A: Ewan ko sa’yo, hulaan mo.
S: Uyyy, paano nga?
A: Bahala ka sa buhay mo, hulaan mo. Kaya mo yan.
S: Ang alam ko dahil kay P kaya tayo nagkakilala pero di ko matandaan kung saan.
A: HAHAHA, oo dahil kay P.

Tapos chikahan hanggang sa makarating kami sa White House. Napaisip ako, bakit ko siya sinundan sa apartment nila. HAHA. Wala pala akong self-awareness. Pinakilala niya ako sa mga dormers dun tapos binida pa niya na ang tagal namin di nagkita. Wow, katuwa di ba. So ayun nameet ko ulit sila friends at naglaro kami. Sa loob ng 3 oras, naglalaro kami ng pusoy dos habang binubully siya. In fairness naman, nag-enjoy ako kasi magkatabi kami habang naglalaro ung bag ko lang pagitan namin.

Noong mga medyo pauwi na ako kasi nagtext na si dormmate, napatingin ako sa kanya sakto nakatingin siya sa akin, nagulat ako, di naman ako nagiimagine, kasi nakatingin siya sa akin.

A: Bakit?

Di siya nagsalita, natawa nalang ako.

So ayun, pumunta na ako sa dorm at nagpaalam sa kanya. HAHAHA.

Sobrang anticlimatic di ba, akala ko hahatid niya ako, chosera ko naman. Naramdaman mo naman siya kasi baka kung ano isipin ng mga friends niya na alam kong alam nila kung sino ako. Kasi hello, observant ako, mga tinginan niyo guys, yung ere sa inyo, yung mga parinig na tamang tama ako, IM NOT DENSE sa mga ganong bagay pero sa feelings ko medyo HAHAHA. Pero naredeem naman niya ang self niya noong nagtext siya sa akin nung pauwi na ako.

So, eto na ang reflection ko sa nangyari. HAHAHA. REFLECTION TALAGA. NASANAY NA SI ATE BES.

Di ako naniniwala sa destiny kasi naman I’ve been through a lot pero sa mga nangyari sa akin this year medyo naniniwala na ako na may force out there na nagtutulak sa’yo para matupad mo ang gusto mong matupad.

Di ako yung tipo ng girl na sasabihin sa’yo na gusto kita, secretive po ako. Masaya na ako sa nakikita ko siya ganun. Nagkalakas ng loob lang naman ako kasi akala ko di na kami magkikita, di pala. I WAS WRONG.

Ang akin lang, bakit di kami awkward. Siguro dahil friendly siya pero dapat di ba kahit papaano awkward dapat kasi hello, four years, four years kaming di nagkita tapos nung nagkita kami parang kahapon ko lang siya di nakita. GANUN GUYS YUNG FEELING.

Yung puso ko noong araw na ‘yun nakasakay sa roller coaster at nag-aadventure. Sobrang mixed emotions yun mga friends. Sobra. As in, hanggang ngayon, natutuwa pa din ako.

When I first experience love, I was given too much that I was drowned by it. The second time, I gave too much that I was drowned by my own feelings that I turned blind. The thrid time, I’m in a roller coaster and I am enjoying it. It’s fun, this kind of love even though it’s hard. Naks sa english, dumugo yung brain ko.

I mean, di talaga masaya yung ganito na parang meron pero wala. Alam niyo yun, akala mo oo, pero hindi pala. Ang masaya lang dito kasi may thrill, di kami nagkikita, online lang and text kami nagkakausap. Marami akong nalalaman sa kanya that way and walang difference noong nagmeet kami.

The first time na parang may something kami nung first love ko, di ko siya makausap kung di ko siya tatarayan, wala kaming formal na usapan na kung saan nagkaintindihan kami, i mean, walang magandang convo, di kami nagkaalaman ng mga bagay-bagay tungkol sa isa’t isa, to be honest, wala nga akong matandaan na redeeming factor tungkol sa kanya eh. Then, I realized that all this time, yung feelings ko sa kanya ay infatuation na medyo nadevelop sa kantangahan. So ayun.

Yung sakanya kasi, I don’t expect anything from him. I’m fine na alam niya, na ganito, na kahit gusto mo na there’s more to it, di pa pwede kasi alam mo di pa sufficient yung feelings to be something more, I like him, oo, gusto ko siya. Yun palang ang alam ko. Di ko pa alam kung saan ako dadalhin ng feelings ko sa kanya pero at lease masaya ako. Masaya ako kasi I feel so free with this feelings I have for him kahit medyo muntanga kaming dalawa at naloloka ako sa pagsesend niya ng SELFIE niya sa akin. Kawindang mga friends yung tipong papasok ka ng school, bigla siyang nagsend ng selfie. HAHAHA anong gagawin ko sayo.

So ano na ang plano ko, ayun, push pa din. Hanggang sa mawala na siguro yung feelings ko, hanggang sa alam ko na wala na ‘tong patutunguhan kasi sa buhay kung hindi mo ipaglalaban ang isang bagay na alam mong may laban wag mo siyang bibitawan kung alam mo naman na hindi ‘to ikasisira ng buhay mo.

For now, I’ll do my best. Inspiration muna kita sa buhay ko. HAHAHA.